Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-ina at 2 pang mga babae, huli sa drug buy bust

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 9, 2015) ---Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang apat katao kabilang ang isang mag-ina at dalawang iba pang kababaihan matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Doña Aurora St. Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ng umaga noong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga Suspek na sina Yolanda Bai Ali “Alias Taya”  , 40 anyos, dalaga, isang vendor, Bai Ali Abid Mamaril, 25 anyos, may asawa, isang may-bahay at ang mag-inang sina Faisal Ali Luna, 20 anyos, binata, isang estudyante at isang Fatima Ali Luna, 42 anyos, may-asawa, isang may bahay na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang mga drug paraphernalia’s na pinaniniwalaang ginagamit ng mga ito sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot at mga plastic sachets na may lamang malaking halaga ng shabu.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng Kabacan PNP ang halaga mga nakumpiska ngunit isa ito sa malaking operasyon na kanilang naisagawa sa 1st quarter ngayong taon nagresulta sa pagkadakip ng apat na suspek kaugnay sa kanilang kampanya kontra illegal na druga.


Sa ngayon ay nakapiit sa Kabacan PNP Lock-up-cell ang mga suspek. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento