Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister binoga

(South Cotabato/ January 4, 2015) ---Dead-on-the-spot ang isang lalaki makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa tahanan nito sa Purok Bonifacio, Bario 5, Banga, South Cotabato kahapon.

Kinilala ni PO3 Chrislino Arang, ng Banga PNP,  ang biktima na si Dave Lemuel Leonida Mendiola, 26, binata at residente ng lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, kumakain umano ito sa loob ng kanilang tahanan  ng dumating ang dalawang suspek na nakasakay ng kulay asul na motorsiklo na walang plate number.


Naka-bonnet ang isa sa mga suspek habang nakasuot naman ng helmet ang isa.

Lumapit umano sa pintuan si Mendiola upang alamin kung sino ang dumating ngunit pinagbabaril na ito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyong cartridge ng kalibre .45 at anim na slugs.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kasong ito. Rhoderick Benez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento