Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, tumba sa droga!

(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Pinaniniwalaang dahil sa illegal na droga kaya pinaslang hanggang sa mapatay ang isang magsasaka sa Barangay New Cebu, Pres. Roxas, North Cotabato Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Kaharodin Kusain Lumambas, 23-anyos, magsasaka na taga Purok Krislam, Matalam, North Cotabato.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, sapilitang isinakay umano ang biktima sa isang motorsiklo at dinala sa bahagi ng Brgy New
Cebu, Pres. Roxas at pagdating sa damuhang bahagi ng lugar ay sapiliting pinababa ng suspek ang biktima at pinagbabaril.

Apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Lumambas.


Nang makitang bulagta na ang biktima, mabilis namang tumakas ang mga suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento