Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Family feud o rido sinusundang motibo sa ‘grenade blast’ sa compound ng Purok President sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Pinaniniwalaang family feud o rido ang isa sa mga anggulong sinusundan ng pulisya sa panghahagis ng granada sa compound ng Purok President sa Plang, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang sinabi ni PCI Ernor Melgarejo hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news hinggil sa pagpapasabog ng granada sa bahay ni Jun Moreno  alas kwatro y medya ng umaga kahapon.


Inihayag din ni Melgarejo kung anong klaseng granada ang pinasabog ng mga salarin ayon na rin sa imbestigasyon ng Explosive Ordnance Disposal o EOD team ng PNP at AFP.

Kaugnay nito, naka-heightened ngayon ang Kabacan PNP at patuloy ang pagbabantay sa mga choke points at check points sa mga highway upang mabantayan ang seguridad ng mga mamamayan matapos rin ang pagkakarekober ng ilang mga pampasabog sa bayan ng Midsayap at Pikit nitong mga nakaraang araw. Christine Limos



0 comments:

Mag-post ng isang Komento