Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Beautician, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2014) ---Isang kasapi ng 3rd Sex o bakla ang panibagong biktima ng pamamaril sa harap ng Marped Lodging House, Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:15 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Gilbert Aradaza na mas kilala sa tawag na Miss Japan, 32, residente ng Purok Miracle, Poblacion ng bayang ito.


Ayon sa report, pinagbabaril ang biktima ng mga suspek na lulan ng Honda XRM na kulay asul at Honda XRM na kulay pula na mabilis namang tumakas matapos ang insedente.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ulo nito dahilan para isugod ito sa Kabacan Medical Specialist.

Inaalam na ngayon ng mga kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento