Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

21-anyos na magsasaka, biktima ng panibagong pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2013) ---Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 2:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Ali Makalnas, binata at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.


Ayon sa report, galing umano ng Land Transporation Office o LTO sa nasabing lugar ang biktima sakay ng motorsiklo ng abangan ng mga di pa nakilalang suspek at pinagbabaril.

Hindi naman nasaktan ang kasama ng biktima na angkas nito na si Angkal Abas, 23-anyos at residente din ng nasabing lugar.

Mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan ang biktima na ngayon ay nilalapatan ng medikal na atensiyon.

Narekober sa crime scene ang limang empty shells at 1 live ammo ng kalibre .45 na pistol.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kabacan PNP para alamin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang posibleng motibo sa pamamaril. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento