Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

AFP vs. PNP shootout; 1 sundalo sugatan sa illegal logs

(Alamada, North Cotabato/ December 2, 2013, 2013) ---Sugatan ang kasapi ng sundalo ng masangkot ang mga ito sa shootout ng mga pulisya sa bayan ng Alamada, North Cotabato sa ulat kahapon (November 28, 2013).

Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division Col Dickson Hermoso kinilala ang nasugatan na si Cpl. Oting Guiabel ng 6th ID.

Batay sa ulat, sakay umano si Guiabel sa military truck na lulan ng pinaniniwalaang mga illegal-cut logs ng masabat ang mga ito sa isang check point ng Alamada PNP sa nasabing bayan.

Laking gulat umano ng mga pulisya ng makita na iniluluwas ng mga sundalo sakay sa mismong truck ng gobyerno ang mga troso ng walang maipakitang kaukulang dokumento.

Bukod pa sa wala din silang maipakitang kaukulang papeles na ang pamumutol nila ng kahoy ay legal. 

Dahil dito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo na nagresulta sa ilang minutong barilan sa dalawang panig (PNP at Militar) na ikinasugat ni Guiabel.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng militar ang mga sundalong sangkot sa nasabing krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa kanila. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento