Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ September 18, 2012) ---Patay on-the-spot ang driver ng Yamaha motorcycle pagkatapos bumangga sa kasalubong na Krypton motorcycle sa may national highway, partikular sa Barangay Sudapin, Kidapawan City, bandang alas-6:30 kagabi.
      
Kinilala ang nasawi na si Tata Ponce, dating trabahante sa isang restaurant sa lungsod.
      
Sugatan naman ang angkas niya’ng babae na ‘di kinilala sa report.

      
Halos humiyaw naman sa matinding sugat sa mukha, kamay, at paa ang driver ng Krypton na kinilalang si Nonoy Pepito, 34, ng Barangay Birada, Kidapawan City.
      
Lasing daw si Pepito nang magmaneho, ayon sa report. Lumabas sa imbestigasyon na lumagpas na sa kabilang lane ang Krypton na ikinagulat ng kasalubong na Yamaha.
      
Ang lugar na pinangyarihan ng aksidente, ayon sa PNP, ay kurbadang daan at madilim kaya’t itinuturing na ‘accident-prone’.
       
Ayon sa kwento ng isang residente ng lugar, simula noong nakaraang linggo, tatlo’ng insidente na ng salpukan ng mga sasakyan ang naitala sa naturang lugar. 



0 comments:

Mag-post ng isang Komento