Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki pinagsasaksak; guro, sugatan naman sa isang vehicular accident sa Pikit, Cotabato

Written by: Rhoderick Benez

(Pikit, Cotabato/January 6, 2012) ---Sugatan ang isang Danny Yanok makaraang pagsasaksakin ng isang Jeffrey Anfone alas 8:30 kamakalawa ng gabi sa Takepan, Pikit, Cotabato.

Nangyari ang insedente sa isang birthday party kungsaan nag-iinuman ang dalawa at ng malasing ay nagkapikunan at nauwi sa pananaksak ang masaya sanang birthday party.

Nagtamo ng sugat sa tiyan si Yanok na swerte namang di napuruhan.

Kusa namang sumuko sa mga pulis si Anfone.

Batay sa report hindi na umano nagsampa ng kaso si Yanok subalit pinagbayad na lang ng pampa-ospital ang suspek.

Samantala, sugatan naman ang isang elementary titser makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Takepan, Pikit, Cotabato alas 10:00 ng umaga kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Zacarias Edo, nasa tamang edad, may asawa at isang guro sa Pikit North district at residente ng Nilapaan ng nabanggit na lugar.

Sakay umano ang biktima sa kanyang single motorcycle ng patawid n asana ito sa National highway ay aksidente itong nabangga ng kasalubong na Van.

Dahil sa lakas ng impak nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang sugat sa katawan na mabilis namang isinugod sa ospital para mabigyan ng karampatang lunas.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa ospital ang driver ng Van na nakabangga at inareglu na rin na siya ang managot sa pagpapaospital sa biktima.(with report from Scooper 001 Aylmer Bornea)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento