Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 5 sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 16, 2012) ---Dead on arrival sa pagamutan ang isang Abdul Rashid Macayao na residente ng Manili, Carmen, Cotabato makaraang masangkot sa vehicular accident sa Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ala 1:30 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon kay P01 Amor Guillermo, traffic officer ng Kabacan PNP nabatid na aksidente umanong nabangga ng isang kulay maroon na Bajaj motorcycle, walang plate # at minamaneho ni Ali Abdulrakman kasama ang angkas nitong nakilalang si Muhamid Abdulrakman ang sunrise na motorcycle na minamaneho ni Macayao kasama ang sakay nito na nakilalang si Dimanalao.

Batay sa report, galing ng Pikit na direksiyon ang Bajaj ng di nito napansin ang signal stop na inilagay ng mga traffic officer in charge sa Construction Road sa National Highway dahilan kung bakit nito nabanggaan ang sunrise na motorsiklo.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan si Macayao subalit binawian na ito ng buhay, habang sugatan naman ang tatlong iba pa.

Ilang oras matapos maganap ang insedente sa Brgy. Kayaga naganap naman ang isa pang vehicular accident sa Brgy. Osias, Kabacan dakong alas 3:00 ng hapon kamakalawa dahil na rin sa di magandang lagay ng panahon noong Biyernes.

Ayon sa report, patungong Cotabato City ang isang Hino Truck na pula na may Plate number TCU-175 galing Davao City na minamaneho ni Restitoto Traya Llanto ng aksidenteng nabundul nito ang likuran ng sinusundang trak na kulay asul na may Plate number LAE-117,na minamaneho ng isang Mark Rigan Baguillo Llanto.

Isa ang sugatan sa nasabing insedente na kinilalang si Miguel Barwis na pasahero ng asul na trak na minamaneho ni Llanto.

Nagtamo ng malubhang sugat ang naturang biktima na agad namang dinala sa bahay pagamutan. Habang nagtamo din naman ng pinsala ang dalawang malalaking sasakyan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento