Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabayo, ninakaw sa Pikit, Cotabato

Ninakaw ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang kabayo na pag-aari ng isang traffic aide ng Pikit, Cotabato ala 1:00 ng medaling araw nitong Lunes.

Sa report ni DXVL News researcher Armie Alivo, kinilala ng Pikit PNP ang biktima na si Juale C. Guimalon, 26 taong gulang, may asawa, isang traffic aide at residente ng Lamak, Pob. Ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report, mahimbing na natutulog umano ang pamilya Guiamalon ng mga oras na iyon ng kalagan umano ng mga kawatan ang kanilang alagang hayop na nakatali sa loob ng kanilang bakuran at agad dinala sa isang masukal na lugar.

Di pa mapatid kung kinatay ang nasabing hayop.

Plano din sana umano ng mga kawatan na tangayin ang Bajaj motorcycle ng mga biktima, subalit bigo po silang maisakatuparan ito dahil nasa loob ng kanilang pamamahay.

Nagbabala naman ang Pikit PNP sa pangunguna ni P/insp Joan Resurection na mag-ingat dahil rumarami na nman ang kawatan sa nasabing bayan, siguraduhin daw di umanong naka-lock ang bahay tuwing aalis at huwag iwanang nakatihaya ang mahahalagang bagay sa loob ng bahay.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento