Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa patay, 22 iba pa sugatan sa pagsabog ng granada sa Carmen, N Cotabato


ISA patay habang 22 iba pa ang sugatan nang sumabog ang isang granada sa isang peryahan sa Poblacion, alas-1045 kagabi.
       
Kinilala ang nasawi na si Joseph Tumeldin na nanonood ng cara y cruz sa perya no'ng mga oras na 'yun.      Isinugod siya sa Kabacan Medical Specialist Center sa bayan ng Kabacan pero makalipas ang ilang sandali ay binawian din ito ng buhay.
      
Karamihan sa mga sugatan mga bata, ayon sa inisyal na report mula sa Carmen PNP.
     
Inihagis umano ang granada habang nagkakasayahan sa perya.
      
Ang bomba tumama raw sa bubong ng bahay na malapit sa peryahan at bumagsak sa nagkaka-cara y cruz.
      
Sinasabing ang granada ay inihagis ng isang lalaki matapos matalo sa isang sugal sa loob ng perya.
     
Subject na siya ngayon ng police manhunt, ayon kay Chief Inspector Jordain Maribojo, hepe ng Carmen PNP.
     
Naganap ang pagsabog isang araw bago ang ika-55 na founding anniversary ng bayan ng Carmen.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento