Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magpet PNP Lumipat na sa bago nilang tanggapan


LUMIPAT na sa dalawang palapag na tanggapan ang Magpet PNP nitong nakaraang araw ng –Martes.

Mismong si Magpet mayor Efren Pinol ang nanguna sa ginawang turnover rites na sinaksihan din ng mga mataas na opisyal ng PNP mula sa regional office 12.

Kabilang sa mga sumaksi sa paglilipat ng Magpet PNP sa kanilang bagong tahanan sina PNP regional director Atty, Chief Supt. Gil Meneses, kasama sina Supt. Lester Camba at Supt. Ed Hiso ang deputy provincial director ng North Cotabato PNP.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni mayor Pinol ang pamunuan ng PNP sa paglalaan ng pondo para maisakatuparan ang konstruksiyon ng dalawang palapag na PNP building.

Ang dalawang palapag na PNP building ay mayroong comfort rooms, mga tanggapan ng ibat-ibang dibisyon at may magkahiwalay na kulungan para sa mga minor offenders at mga babae at lalaking inmates.

Matatagpuan ang bagong gusali ng Magpet PNP sa mismong kanang bahagi ng municipal hall. Maliban sa mga pasilidad ng gusali, mayroon din itong malawak na parking area.

Inatasan naman ni mayor Pinol ang mga miyembro ng Magpet PNP na magiliw nilang pagsilbihan ang kanilang mga kliyente (with report from Williamor Magbanua) 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento