Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagong Integrated Terminal ng Kabacan posibleng fully operational na sa buwan ng Hunyo –ayon sa alkalde ng bayan

Inihayag ngayon ni Kabacan Mayor George Tan na posibleng magagamit na sa buwan ng Hunyo ang bagong State of the Art Integrated Terminal ng bayan na makikita sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa punong ehekutibo abot sa P7M ang pondong inilaan sa paggawa ng bagong terminal na lilipatan ng lahat ng mga pampublikong sasakyang bumabiyahe.

Iginiit pa ng alkalde na kapag maging operational na ang nasabing terminal dapat na makipagtulungan ang lahat lalo na ang mga operators ng sasakyan para maiwasan na ang mga panghohold-up at iba pang mga kahalintulad na krimen.

Aniya, lahat umanong mga pasahero ay dapat na dadaan sa terminal para sa masusing pagsisiyasat.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento