Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

March 4, 2011

Biosafety Permit ng Field testing ng BT-Talong sa USM, inilabas na ng Bureau of Plant Industry

Matapos dumaan sa butas ng karayom ang pagsisiyasat ng pagsasagawa ng field testing ng Bacillus thuringiensis eggplant o Bt talong sa North Cotabato, nakakuha na ngayon ng pag-apruba ang mga proponents nito mula sa Bureau of Plant Industry o BPI.

Ito ay ayon kay USM Director for Research Emma Sales, kungsaan nito pang Hunyo a-28, 2010 nakakuha sila ng biosafety permit mula sa BPI.

Sa kabila ng pagka-apruba nito sa BPI, aminado pa rin si Sales na dadaan pa rin ang nasabing field testing sa masusing proseso kungsaan nakabinbin pa rin ang nasabing panukala sa Sangguniang Panlalawigan ng probinsiya.

Giit pa ni Dr. Sales na naging kontrobersiyal ang nasabing BT-Talong dahil sa marami umano ang natatakot dahil hindi alam ang kanilang kinatatakutan at dahil sa bago ang nasabing teknolohiya.

Paliwanag naman Dr. Desiree Hautea, ng Institute of Plant Breeding РUniversity of the Philippine, Los Ba̱os, Laguna ang proponent ng nasabing panukalang field trial na ang mga GMO ay ligtas kainin ng mga tao, at maaaring makapagbigay ng mas malaking ani at kita sa mga magsasaka.


Isa ang North Cotabato sa pitong lugar sa buong bansa na napili ng Monsanto Philippines sa isinasagawang field testing ng Bt talong.
Naka-embed sa Bt talong ang bacteria na Bacillus thuringiensis na tutulong umano para maging resistant ang talong laban sa fruit at shoot borers.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento