Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kidapawan City Government, naglaan ng P12.3M para sa Christmas Bonus ng mga kawani

(Kidapawan City/ December 18, 2013) ---Naglaan ng P12.3 Milyong pisong alokasyon ang Kidapawan City Government para sa Christmas Bonus sa kanilang libu-libong mga empleyado.    
     
Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista na ang Sangguniang Panglungsod ang nag-apruba ng Supplemental Budget na Number 5 buhat sa Personnel savings ng city government, merkado publiko at overland terminal.                            
         
Tatanggap ng P18,000 ang bawat isa na 600 mga ual employees habang tP3,000.00 naman ang mapupunta sa kanilang health insurance.        
              
Bawat isa naman mula sa 119 na mga guro na pinoponduhan ng LGU sa ilalim ng Special Education Fund ay tatanggap naman ng P5,000 cash at dagdag na P2,000 gift certificate habang P2,000.00 gift certificate naman ang tatanggapin ng 565 mga job order employees ng City Government.                                      
Samantala, tatanggap naman ng P2,000 gift certificate ang mga barangay nutrition scholars, barangay health worker, animal worker, day care worker; at P1,500 gift certificate naman sa bawat barangay tanod.                    
                            
Ayon kay Evangelista, mas malaki ang tinanggap na bonus ngayong taon ng mga empleyado ng Kidaapwan City kung ihahambing sa taong 2012. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento