Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating kapitan sa bayan ng Magpet huli sa pagbebenta ng pekeng gold bar

(Magpet, North Cotabato/March 2, 2012) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad si Danilo Senados, dati’ng kapitan ng Barangay Balite sa bayan ng Magpet, North Cotabato, matapos magbenta ng mga pekeng gold bar.
         
Noong February 21, nagbenta raw si Senados ng pekeng dalawang gold bar at isang white gold bar sa negosyanteng si Sharon Omandac-Diez na residente ng Lomugdang Subdivision, Kidapawan City.

Bata na naaktuhang nagnanakaw sa isang hardware sa Kidapawan City sugatan matapos mabaril ng gwardiya; gwardiya boluntaryon sumuko sa PNP

(M’lang, North Cotabato/March 2, 2012) ---Boluntaryong sumuko sa Kidapawan City PNP ang 21-taong gulang na gwardiya ng Nagasat Hardware and Construction Supply makaraang mabaril ang isa sa tatlong mga menor-de-edad na lalaki na nagtangkang manloob sa ginagwardiyahan nito’ng establisiemento, alas-9 ng gabi, noong Miyerkules.

Militanteng Kabataan laban sa pagtaas ng matrikula; kilos-protesta ikakasa!

(Kabacan, North Cotabato/March 1, 2012) ---Ikakasa ng mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan ang isang kilos-protesta ngayong araw kaugnay sa tumitinding pagtaas ng matrikula sa ibat-ibang unibersidad at mga pamantasan sa buong bansa.

Mahigpit na ipinahayag ng grupo ang kanilang pagkadismaya sa Commission on Higher Education o CHED sa inilabas nitong panuntunan sa pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin.

P1K bill na pekeng pera; kumakalat sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/February 27, 2012) ---Muli na namang naglipana ngayon sa bayan ng Kabacan ang ilang mga pekeng pera, ito matapos na mabiktima ang isang 37-anyos na lalaki ng pekeng P1 thousand piso bill na galing umano sa management ng Osias Gallery.

Batay sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Marlaw Nieves Molo, nasa tamang edad at residente ng Balindog, Kidapwan Cotabato makaraang nagreklamo tungkol sa isang pekeng pera na kanyang natanggap.

Counter-affidavit ng mga kinasuhan sa Tentorio killing inihahanda na


(Kidapawan City/Feb 25, 2012) ---Hindi pa man nakakarating sa kanila ang kautusan ng Prosecution para sagutin ang mga akusasyon, inihahanda na ng tatlo sa mga akusado sa pagpatay sa pari’ng Italyano ang kani-kanilang mga counter-affidavit.
         
Ayon kay Jun Obello, ang public affairs chief ni Cotabato 2nd district Congresswoman Nancy Catamco, pinaghahandaan na ng abogado nila ang mga ihahayag sa korte.
         

Arakan Mayor Tuble iniharid na sa kanyang huling hantungan

(Arakan, North Cotabato/February 25, 2012) --- Dinaluhan ng mga opisyal at mga kasamahan sa gobyerno, mga kaanak, kapamilya, mga kaibigan at mga constituents sa bayan ng Arakan ang libing ni Arakan Mayor Gerardo Tuble, kanina.

Ang necrological services para kay Tuble ay isinagawa kahapon.

Nabatid na si Tuble ay mahigit dalawang taon pa lang na nagsisibi bilang mayor ng Arakan. Naglingkod na rin siya ng siyam na taon bilang konsehal ng bayan.
         

Misis nalapnos ang mukha matapos sinabuyan ng asido ni Mister sa Kidapawan city

(Kidapawan city/February 25, 2012) ---Patung-patong na kaso ang isinampa ni Mildred, ‘di niya tunay na pangalan, laban sa mister niya’ng si David, matapos sabuyan siya nito ng asido habang nasa trabaho sa Kidapawan City, kamakaylan.

Kinasuhan ni Mildred ang mister ng serious physical injuries, physical at psychological abuses sa ilalim ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children o VAWC.

Wanted person, huli ng Matalam PNP


(Matalam, North Cotabato/February 24, 2012) ---Nahuli kamakailan ang isang wanted person na si NORMAN PACIA ESELLER alias Palito, Norman Robles at Reman Robles, 49 anyos, magsasaka at residente ng Purok 5, Brgy. Lower Malamote, Matalam Cotabato ng Matalam PNP sa pangunguna ni

Motorsiklo; ninakaw sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/February 24, 2012) ---Ninakaw ng mga di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo sa bayan ng Matalam, kamakalawa.

Batay sa report ng MATALAM PNP, ang nasabing motorsiklo ay may plate number MT 8213 ay pagmamay-ari umano ng isang Uro Tolia Angkang, 45 anyos at Brgy. Kagawad ng Sentro, Central Malamote, Matalam, Cotabato. Winasak umano ang window glasses ng bintana upang maging daan ng hindi pa natutukoy na kawatan.

Dagdag pa ni angkang, nasa loob umano ng bahay ng kanyang pamangkin na nagngangalang Wahida Abdulkadir,ng manakaw ang kayang motorsiklo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon at paghahanap ng mga otoridad sa hindi pa nakikilalang kawatan.

2 mga bata huli matapos magbenta ng mga nakaw na gamit sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Dahil na-konsensiya ang kaibigan ng mga magnanakaw, isinuplong sila nito sa mga awtoridad sa bayan ng Kabacan.

Isang bakla ang nagtungo sa himpilan ng Kabacan PNP at isinumbong ang nakawang nangyari sa isang boarding house sa Poblacion ng Kabacan, noong Lunes.

Nurse na nag-tweet ng masasakit na salita patungkol sa biktima ng pagsabog sa Kidapawan City nag-isyu ng public apology; Phil Red Cross naglabas din ng pahayag patungkol sa isyu


(Kidapawan city/February 24, 2012) ---Humihingi ngayon ng paumanhin sa publiko ang nurse ng Kidapawan Doctors Hospital na nag-tweet ng masasakit na salita patungkol sa nasawi’ng Red Cross volunteer na si Benny Balmediano.
         
Inamin ni Carla Kristine Piamonte na nagi’ng immature siya nang bitawan niya ang masasakit na Tweet sa kanyang Tweeter account.

Sinabi ni Piamonte na hindi raw niya binalak gawi’ng subject ng katatawanan ang nangyari kay Balmediano.

Close monitoring sa mga peace programs ng gobyerno, hiniling ng isang kongresista sa North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/February 24, 2012) ---Hiniling ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa mga punong barangay ng 12 barangay beneficiaries ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA Program na bantayan ang pagpapatupad ng natukoy na programa sa kanilang lugar.

Bilang Chairperson ng House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity, ginawa ito ni Cong. Sacdalan upang maipaalam sa mga barangay captains ang kanilang mahalagang responsibilidad sa ikatatagumpay ng nasabing programa. 

Edukasyon, tulay sa pagsasalin ng indigenous knowledge

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/February 24, 2012) ---Nagsama- sama ang iba’t- ibang grupo ng mga katutubo sa buong bansa sa tatlong araw na Second National Conference on Indigenous Knowledge na ginanap sa Midsayap, North Cotabato. 

Layunin ng pagtitipon na maibahagi ang mga karanasan at isinagawang pag-aaral o research mula sa indigenous peoples sa iba’t- ibang bahagi ng Pilipinas. Tinalakay din ang kahalagahan ng mas malawak na pag- intindi sa katutubong kaugalian, mga national and international laws at ang relasyon nito sa katutubong kaalaman.

Kakaibang Saging sa Kabacan?

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Agaw atensiyon ngayon sa ilang mga residente ng 2nd Block, Villanueva subdivision, Kabacan, Cotabato ang isang puno ng saging na may kakaibang bunga.

Nag-iisa lamang na nakatayo ang nasabing puno ng saging sa isang pribadong bahay sa nabanggit na subdivision.

Wala pa namang pahayag ang may ari kungsaan galing ang naturang saging na dikit dikit ang mga bunga nito.

Kasong Murder isinampa sa 4 kataong itinuturong suspek sa pagpatay kay Fr. Tentorio


(Kidapawan City/ February 24, 2012) ---Sinampahan na ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI),ang apat na kala­lakihan na isinangkot sa pagpatay sa Italian missionary na si Fausto Tentorio, sa Provincial Prosecutor ng Kidapawan City, North Cotabato.

Kinumpirma ni NBI officer-in-charge Nonnatus Caesar Rojas, sa ginanap na news conference, ang pagsasampa ng kaso laban kina Jose Sultan Sampulna, Dima Maligudan Sampulna, Robert Ato, at Jimmy Ato.