(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Tatanggap na ng Certificate
of Candidacy o COC ang Commission on Elections o COMELEC sa mga lalahok sa
Sangguniang Kabataan elections sa February 7, 9, at 10 ng kasalukuyang taon.
Batay sa COMELEC Resolution number 9905, magsisimula ang
SK election period mula January 22, 2015, araw ng Huwebes hanggang March 2,
2015, araw ng Lunes, tatlumpung araw bago ang araw ng eleksyon at labinglimang
araw pagkatapos nito.










