(USM,
Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Nilinaw ngayon ni University
Multi-Media Production Center, Manager Vilma Santos na hindi isang taon o sa
susunod pa na taon makukuha ng mga graduating students ng University of
Southern Mindanao ang kanilang thesis na ipinagawa, bagkus isang buwan lamang
nila itong hihintayan.
Aniya,
ang usapan nila sa mga estudyante ay babalikan nila ito sa Multi Media
makalipas ang isang buwan, ibig sabihin makukuha na nila agad ang kanilang anim
na kopya ng thesis sa buwan ng Abril.
Ang
naturang hakbang ay una na ring napag-usapan kasama na dito si USM Pres Jesus
Antonio Derije, mga council of Deans and directors, ito upang mapagaan at
maibsan ang gastusin ng mga mag-aaral para sa binding ng kanilang thesis.