NEWS UPDATES

Kampanya kontra kolurom na tricycle mas pinaigting sa Kabacan, Cotabato; 6 na mga tricycle huli


(Kabacan, North Cotabato/March 22, 2012) ---Anim na mga tricycle ang nahuli ng mga otoridad mula sa brgy. Aringay ang napag-alaman na hindi nakapag-renwe ng prangkisa nila sa isinagawang operation kontra kolurum ng Kabacan PNP kahapon ng umaga.

Nanguna sa nasabing operasyon si P02 Jeryl Vegafria ng Traffic Division ng Kabacan PNP, kungsaan karamihan sa mga paglabag ng mga ito ay ang hindi pag-renew ng prangkisa at iba pang mga violation sa batas trapiko.
Sinabi ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang surpresang operasyon sa mga barangay at huli namang gagwin ito sa Poblacion ng Kabacan.

Ang mga motorsiklo ay pina-impound ng mga otoridad sa himpilan ng pulisya. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento