Ayon kay Regent Tacardon, na pangunahing
nagpanukala ng nasabing Zonal Center, ito upang mapadali ang proseso ng
promotions ng mga guro hindi lamang sa USM kundi maging sa ilan pang mga state
universities and Colleges ng sakop ng naturang programa.
Aniya, matagal umano ang promotions ng mga
guro noon dahil sa Region 11 pa binubusisi ang mga records ng mga ito at
aabutin pa ng ilang taon bago mailabas ang resulta dahil abot kasi sa
labinwalong mga paaralan ang kini-cater ng zonal center ng Region 11.
Samantala, aprubado na rin ang dagdag na
support ng mga guro na mag-aaral para sa master’s degree, para sa kanilang
thesis at Dissertation na itinaas mula sa dating P15,000 ay ngayon ay
P30,000.00 na ito at P50,000.00 para sa thesis at dissertation support ng mga
kukuha ng Doctor’s degree.
Maliban dito, ikinagagalak ding ibinalita ng
opisyal ang pag-apruba ng selected faculty member para sa kanilang promotions
sa ilalim ng NBC 4th cycle reclassification na may salary grade na
18 pataas. (Rhoderick Benez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento