Ayon sa isa sa mga inventor na si
Bryan Ray Lumbayan, kapag isinuot ng lasing na driver ang helmet, made-detect
ng sensor ng motorsiklo na siya ay nasa impluwensiya ng alcohol.
At kapag may nakasulat sa LCD display
ng motorsiklo ng katagang, “You’re drunk”, hindi aandar ang sasakyan.
Hindi rin aandar ang sasakyan kung
hindi suot ang helmet.
Kaya’t sa pamamagitan ng electronic
helmet na ito, ang batas na, “No Helmet No Travel Policy”, at pagbabawal sa
“Drunk Driving”, ay mabibigyan ng lunas, ayon kay Lumbayan.
Kasama ni Lumbayan sa natatanging
imbensyon ang mga Electronics Computer Engineering student na sina Rhodessa
Faye Caro, Julius Caesar Lopez, at Darwin Benict James Zoilo. Ang kanilang teacher-adviser ay si Engineer
Marlou Galinato.
Una dito, nangako naman si Agham
party-list Representative Angelo Palmones ng suporta sa naturang imbensyon.
Maging siya humanga rin sa gawa ng
NDKC students, napag-alaman na si Palmones ay alumnus ng NDKC.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento