NEWS UPDATES

Dating mga alagad ng batas huling na naninigarilyo sa hindi designated “Smoking area” sa Kidapawan City

(Kidapawan City/March 20, 2012) ---Kasama ang dating Chief of Police ng Davao city at isang Army officer sa dalawampu’t tatlo katao na nahuling naninigarilyo sa loob ng palengke ng Mega Market  sa Kidapawan city.
     
Kinilala ni Mega Market Head ng civil Security Unit Antonio Malinao, ang kanilang nahuli noong nakaraang linggo na sina Sr. Supt. Lito Culahag, dating chief of police ng Davao City; at retired Army officer Mario Atus.
       
Wika ni Malinao na naaktuhan ang mga ito na humihithit ng sigarilyo sa hindi designated smoking area sa palengke na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinante 02-258.

    
Sinimulan ng CSU ang paghuli sa mga lumalabag sa ordinansa noong March 12.

Sa dalawampu’t tatlo katao, tatlo sa kanila ang nag-community service, habang ang iba nagbayad ng kaukulang penalidad.

Ayon kay Malinao, magpapatuloy ang kanilang hulihan sa mga maaaktuhan nilang humihithit ng sigarilyo sa mga hindi designated smoking areas, particular sa mega market at iba pang public places.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento