NEWS UPDATES

Mister, sinaksak ng sariling Misis gamit ang gunting sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Sugatan ang isang mister makaraang saksakin ng Misis nito sa isang Army Detachment sa Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:30, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Bany Dimasigcol, 22-anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Hidi pa nalalaman ng mga pulisya ang tunay na dahilan ng suspek na nakilala bilang Marissa Iman, 24 anyos at residente ng Maigdao, Pikit, Cotabato.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng kabacan PNP ang suspek para sa imbestigasyon at proper disposition. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento