NEWS UPDATES

Mga pananim na Marijuana sa Matalam, North Cotabato; binunot ng mga otoridad


(Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Nanguna sa isinagawang pagbunot ng mga paninim na Marijuana si Police Inspector Sindato Karim ng Matalam PNP sa isang bahay na tinamnan ng nasabing halaman sa Sitio Mateo, Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato nitong linggo.

Mismong ang may ari ng bahay na si Ronie Oyco ang nadatnan ng mga otoridad sa erya, din a rin nakapalag si Oyco makaraang inaresto ito ng mga otoridad.

Agad namang binunot ng mga otoridad ang nasabing ipinagbabawal na tanim at dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposasyon. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento