(Kabacan, North Cotabato/March 19, 2012) ---Matapos
ang limang taon na pagtatago sa batas nahuli na ng mga otoridad ang isang pugante
na tumakas sa Amas Provincial Jail noong taong 2007 dakong alas 8:00 ng umaga
nitong Sabado sa Brgy. Magatos, Kabacan, Cotabato.
 |
Buto Caumbo |
Ang suspek ay nagpakilala sa pangalang
Yasser Butch pero umamin rin siya kay P/Supt Joseph Semillano, hepe ng Kabacan
PNP na siya si Buto Caumbo, makaraang bigo itong makapagbigay ng dokumentong
nagpapatunay sa una nitong pagkakakilalan.
Ayon sa report natimbrehan umano na si
Caumbo ay nagtatago sa nasabing brgy noong Sabado kaya agad na inatasan ni
Supt. Semillano ang mga tauhan nito na arestuhin ang suspek.
Nanguna sa pag-aresto si PChief Inspector
Jubernadin Panes at ang mga elemento ng Kabacan PNP.
Nabatid na si Caumbo ay may kinakaharap na
kaso dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II of RA 9165.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Kabacan PNP si
Caumbo at nakatakdang ilipat anumang araw simula ngayon sa Cotabato Provincial
Jail sa amas, Kidapawan City. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento