NEWS UPDATES

Lalaki patay matapos binangungot sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 21, 2012) ---Patay ang isang 32 anyos na lalaki matapos na pinaniniwalaang binangungot habang natutulog sa kanilang bahay dakong alas 6:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jimy Palermo Palma, 32 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy.  Dagupan ng bayang ito.

Agad namang dinala ang bangkay nito kahapon sa Villa Jusa Funeral Homes, na nasa Brgy. Osias.

Nakita na lamang na wala ng malay tao si Palma  kahapon ng umaga sa kama nito sa tinutuluyan nitong bahay sa National Highway partikular sa harap ng Yambao’s Warehouse.

Ayon kay Dr. Sofronio Edu, Jr. wala naman umano silang nakikitang sugat sa katawan ng biktima na posibleng may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Sa medical finding ni Dr. Edu lumalabas na may acute pancreatitis ang biktima dala ng sobrang pagka-alcoholic drinker nito. (Rhodz BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento