Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki tiklo dahil sa pagbebenta ng illegal na droga; guro naman sa Kabacan, nilooban

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 10, 2012) ---Sa kulungan ang bagsak ng isang 34-anyos na lalaki makaraang mahuli sa aktong nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa Matalam, North Cotabato.

Kinilala ni PS/Insp Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang suspetsado na si Fernanado Manglapao Garin, residente ng Purok 3, brgy. Manubuan ng nabanggit na bayan.

Nakuha mula kay Garin ang isang kahon ng posporo na may nilalaman na tuyong Marijuana.
Nahuli ang biktima sa Lopez Jaena street sa Poblacion ng Matalam.

Sa ngayon kasong paglabag sa RA 9165 ang kinakaharap ng suspetsado.

Samantala sa iba pang mga balita, tinangay ng mga di pa nakilalang kawatan kahapon ang wedding ring na nagkakahalaga ng P5,000 at isang unit ng Nokia Cellphone sa isang guro na nakilalang si Lourel Quinalayo may-asawa  at residente ng Osias, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon sa biktima sinira umano ng mga salarin ang bintana sa may bandang Masters bedroom ng kanilang bahay para maisakatuparan ang masamang balakin dakong alas 11:00 kahapon ng umaga.

Ito na ang ikalawang kaso ng nakawan na naitala ngayong linggo ito batay sa blotter report ng Kabacan PNP.

Ang una ay ang pag-loob din sa bahay ng isang negosyante sa may bandang Malvar street kung saan natangay ang libo libong pera at isang unit ng Nokia cellphone.

Imbestigasyon sa nangyaring pagkatakas ng tatlong mga bilanggo sa M’lang PNP; ipinag utos na ng Alkalde ng bayan

Written by: Rhoderick Beñez

(M’lang, North Cotabato/February 10, 2012) ---Ipinag-utos na ngayon ni M’lang Mayor Joselito Piñol ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagkaka-iskapo ng tatlong bilanggo sa Mlang PNP alas 2:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni Mayor Piñol ang mga tumakas na bilanggo na sina Talsy Sanoy, Nasser Saoton, kapwa nahaharap sa kasong illegal position of firearms at isang Ramil Sumaray na may kasong carnapping.
Ayon kay Piñol nag CR lamang umano ang isang tagabantay na pulis ng pagbalik nito ay wala na ang tatlong mga inmates.

Ngunit sa ginawang follow-up operation ng M’lang PNP at 68th Infantry Battalion Philippine Army nahuli si Sumaray.

Habang patuloy pang tinutugis sina Sanoy at Saoton, na dating mga rebelde na nagtatago sa loob ng Liguasan Marsh.

Anak ng alkalde at 2 iba pa na kasamahan naaksidente sa Datu Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Mguindanao/February 9, 2012) ---Tatlong mga estudyante ang naaksidente alas 7:00 kagabi  sa kahabaan ng National Highway sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao partikular sa brgy. Tunggol ng nasabing bayan.

Ayon sa report, binabaybay umano ng sinasakyang pick-up ng mga biktima na may plate # LMF-948 ang kahabaan ng naturang kalsada ng bigla na lamang umano itong lumiko at tuluyang nahulog sa basakang bahagi ng lugar.

Kabilang sa mga naaksidente ang anak ni Pikit Mayor Sumulong sultan.

Kinilala ang  mga biktima na sina Tony Jay Macanas, Jean apostol at Sittie Jaren Sultan na siya namang kasalukuyang SK chairman ng Poblacion, Pikit.

Bagama’t pawang galos lamang ang tinamu ng mga biktima, mabilis din namang itinakbo ang mga ito sa isang pagamutan dito sa bayan ng Kabacan.

Napag-alaman pa sa report na ang naturang lugar sa tunggol ay tinaguriangaccident pronbe area kaya pinayuhan ang mga motorista na mag-ingat pagdating sa nasabing lugar.

 Napag-alaman na papuwi na ng Pikit mula sa bayan ng Kabacan ang mga ito ng maaksidente sa daan.

Babaeng kasabwat sa pagdukot noon sa isang estudyante ng USM; kinasuhan na ng habambuhay na pagka bilanggo

Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng hukuman kay Erica Bianca Enanoria, isa sa mga kasabwat sa pagdukot diumano sa isang estudyante ng USM taong 2008 at tangkang pag-rape kay Angeline.

Ang desisyon ay ipinalabas ni Judge Cristina Javalera-Sulit ng Makati Regional Trial Court-Branch 140 sa promulgasyon na isinagawa nitong Martes.

Kaugnay nito, pinapabayad pa si Enanoria ng P250,000 na kapinsalaan na idinulot nito dahil isa umano siya sa mga dumukot kay Angeline para dalhin sa pinaniniwalaang suspect na gumahasa sa biktima.

Ayon sa report, dalawa katao ang itinuturong suspect sa nasabing pag-rape na sa kasalukuyang ay at large pa rin na kinilalang si Andy Montawal at ang kasama pa nitong si Jerome Montawal, na sinasabing mapa-impluwensiyang angkan sa Datu Montawal, Maguindanao.

Mga illegal na kahoy nasabat ng Kabacan PNP

Written by: Rhoderick Beñez


(Kabacan, North Cotabato/February 9, 2012) ---Imbes na sa lumber yard, sa himpilan ng pulisya ang bagsak ng daan daang mga illegal na kahoy na nakumpiska ng mga elemento ng Kabacan PNP ng na-aktuhang ibinababa ito sa isang sasakyan nitong Martes ng hapon sa Poblacion, Kabacan.

Ang nasabing kulay puting elf na may plate number GMU-510 ay lulan ang diumano’y daan-daang mga illegal na mga board feet na kahoy.

Ang nasabing mga troso ay nakumpiska ng mga otoridad sa Poblacion ng Kabacan dakong alas 4:00 ng hapon kahapon habang ibinababa ang mga kahoy sa isang lumber yard na galing pa umano sa isang brgy sa bayan ng Carmen.

Nang siyasatin ng mga otoridad ang dokumento ng may ari hinggil sa nasabing mga kahoy bigo po silang makapagpakita ng kaukulang dokumento.

Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ng isang Jeff Pabro Usman, 40-taong gulang at residente ng Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ang naturang sasakyan ay may lulang humigit kumulang sa 500-Board feet ng Illegal na kahoy na galing pa umano sa bayan ng Carmen.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakakumpiska ang mga otoridad ng mga illegal na kahoy sa bayan.

Nabatid na talamak pa rin umano sa iba pang lugar sa North Cotabato ang illegal logging na siya naman ngayon mahigpit na ipinag-utos ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na tuluyang arestuhin ang gumagawa nito. (with report from Anthony Henilo)


Animal Health Day; isasagawa ngayong araw sa isang bayan ng Kabacan

Written by: Anthony Hemilo

Ipagdiriwang ngayong araw February 8, 2012 ang Animal Health Day sa Baranggay Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Kaugnay ng programang ito magkakaroon ng Large Animal Vaccination, Deworming at Administration Of Vitamin Supplements Para sa mga alagang Hayop na mga residente ng nabanggit na Baranggay.

Ito ay pangungunahan ng mga taga Municipal Agriculturist Office ng bayan ng Kabacan, sa pakikipag-ugnayan ng College of Veterinary Medicine ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Philippine Carabao Center (PCC) at sa tulong na din ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) ng North Cotabato.

Kasabay ng proramang ito, magkakaroon din ng Area Validation ang mga taga Municipal Agriculturist ng Kabacan para sa programa ni North Cotabato Governor Emmy Lou “LALA” Taliño Mendoza na Plant Now Pay Later (PNPL) Para sa mga magsasakang gustong mag-tanim ng Oil Palm ngunit wala namang sapat na puhonan.

Ang area validation sa araw na ito, ay gaganapin sa baranggay Pedtad at bukas naman February 9, 2012 ay sa baranggay Simone.

Alkalde ng isang bayan sa North Cotabato; pumanaw na

(Arakan, North Cotabato/February 8, 2012) ----Pumanaw na kahapon si Arakan municipal mayor Gerardo Tuble dahil sa lung cancer.

Bandang tanghali ito binawian ng buhay sa isang ospital sa Davao City.

Ang kamatayan ni Mayor Tuble kinumpirma ng ilang miyembro ng League of Municipal Mayors sa North Cotabato.  
                                                            
Maging sila nagulat din sa balita na kanilang tinanggap at nagpaabot ng pakikidalamhati sa pamilya ni Mayor Tuble at sa mga constituents nito.     
      
Si Tuble, dati’ng bise-alkalde ng Arakan, ay miyembro ng Arakan Valley Development Council Board na binubuo ng limang mga bayan sa ikalawang distrito ng North Cotabato. 
          
Sa ngayon, nagluluksa ang taga-Arakan dahil sa pagkamatay ng kanilang lider.

Si Tuble rin ang ikalawa sa pinaka-importanteng tao sa bayan ng Arakan na nasawi, simula buwan ng Oktubre. 
                                                                            
Ang una ay nang barilin at patayin noong October 17 si Father Fausto Tentorio, PIME.

Sumifru corporation; kinasuhan ng sibil ang mga landowners na nag road blockade sa bayan ng Matalam

(Matalam, North Cotabato/February 8, 2012) ----Kasong sibil ang isinampa ngayon ng Sumifru Corporation sa dalawa mula sa mahigit 30 mga landowners na nagsagawa ng road blockade sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ito ang sinabi ng administrator ng Sumifro-North Cotabato na si Eric Tubo matapos na humingi din ng danyos ang Sumifru sa mga landowner.

Ayon sa report, nabatid na sa buong North Cotabato, abot sa 3,200 na mga contractual workers ang sini-suwelduhan ng Sumifru.  

Kaya ayon kay Tubo, malaki’ng perhuwisyo ang idinulot ng naging protest move ng mga landowners, hindi lamang sa kanilang korporasyon, kundi maging sa kanilang mga trabahante.

Pinigilan umano ng mga land owners ang mga trabahante ng Sumifro na makapasok sa plantasyon kaya’t wala raw silang maiuuwing sahod sa kanilang pamilya dahil “No work, no pay” ang mga ito.

Sa kabilang ng kasong isinampa ng pamunuan ng sumifro ay, pursigido ang mga land ownwers na ituloy ang road blockade.

Sa ganito’ng paraan pipigilan nila ang Sumifru anihin ang mga produkto’ng saging na nasa mga lupa’ng pag-aari nila. (Rhoderick Beñez)

33rd USM Hospital Anniversary; ipagdiriwang

Written by: Brex Bryan Nicolas

Ipagdiriwang ng University of Southern Mindanao hospital ang kanilang ika 33 anibersaryo, isang araw bago ang araw ng mga puso, a-13 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Kaugnay nito, magsasagawa sila ng libreng konsultasyon na gagawin ng mga spesiyalista sa surgery OB-gyne, medicine at pediatrics na magsisimula alas 8 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa usm hospital.

Masaya namang ibinahagi ni USM director for Hospital and Health Services Dr. Deodato Garcia, ng nabanggit na hospital na Level II, Center of Safety na ang USM hospital, matapos ina-credit ng Department of Health at Philhealth ang hospital noong Setyembre nang nakaraang taon. 

Isang stage 4 cancer Patient na Propesor ng USM, pumanaw na!

Written by: Rhoderick Beñez

(USM, Kabacan, North Cotabato/February 8, 2012) ---Tuluyan ng iginupo ng kanyang karamdaman ang isang propesor ng University of Southern Mindanao dahil sa malala nitong sakit na cancer na ayon sa mga doctor ay nasa stage 4 na.

Pumanaw si Dr. Medin Dialo-Ontok nitong Pebrero a tres taong kasalukuyan sa edad na 55.
Si Dr. Ontok ay naging faculty ng College of Arts and Sciences at naging Dean ng IMEAS noong taong 1994-2004.

Ayon kay Institute of Middle East and Asian Studies Dean Dr. Abubakar A. Murray, si Dr. Ontok ay mailalarawan nito bilang motherly, community organizer, motivator at caring sa lahat ng mga estudyante.

Idaraos naman ang kanyang 7th day death kanduli sa Pebrero a onse sa darating na sabado sa Mapatlig, Isulan, Sultan Kudarat.

Peace Keeping detachment sa isang brgy sa Kabacan; pinaputukan

Written by: Anthony Henilo

(Kabacan, North Cotabato/February 8, 2012) ---Nag-dulot ngayon ng takot sa ilang mga residente ng Baranggay Cuyapon at Lower Paatan, Kabacan, Cotabato ang insedenteng pag-papaputok ng baril malapit sa Peace Keeping Detachment na matatagpuan sa Boundary ng mga nabanggit na barangay, kamakalawa ng hapon.

Dahil dito, inireport na ito kahapon ng mga opisyal ng brgy ng Cuyapon na si Kapitan Ernesto Bigsang at Baranggay Captain Tony Maganaka ng Lower Paatan.

Anila, Nagpaputok umano ng baril ang isang nakilalang Lumanda Demacaling, nasa tamang edad at residente ng Purok Dema, Lower Paatan gamit ang kanyang 30-caliber Garand riffle na bagay namang pinaalerto ng mga opisyal ang nasabing detachment.

Hindi pag-kakaunawaan umano sa pagitan ng isang Muslim elder at ni Demacaling ang dahilan kung bakit ito nagpaputok.

Awayan sa lupa naman ang posibleng motibo sa naturang pag-papaputok, ayon sa Kabacan PNP.

Bata, minurder muna bago itinapon sa National Highway sa bayan ng M’lang, North Cotabato

(M’lang, North Cotabato/February 8, 2012) ---Posibleng isang child-in-conflict-with law o CICL ang bata’ng binaril at pinatay sa bayan ng M’lang, North Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay M’lang Mayor Joselito Pinol, edad trese o katorse ang pinatay.

May masking tape ang mukha ng bata at iginapos pa ang kamay at paa nito.

Sinabi ni Pinol na ang mga pagpatay na tulad kanina ay ginagawa lamang sa mga tao’ng may atraso sa batas.   At posible’ng ang biktima ay nakagawa ng isang krimen kaya siya ay tinawag na ‘child in conflict with law.’

Pero naniniwala si Pinol na hindi sa ganito’ng paraan maitutuwid ang anumang mali’ng gawa ng mga bata.

Dahil pinatay ang bata, di na raw siya nagkaroon ng pagkakataong magbago.

Ang bata ay binaril muna ng tatlong beses at iniwan sa highway ng Makilala-Tulunan, particular sa Barangay Pag-asa, M’lang ng itim na pickup na agad tumalilis patungo’ng Tulunan-Datu Paglas highway.
 
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pagkakilanlan sa naturang biktima.  



Mga Dentista dito sa North Cotabato, Makikiisa sa pagdiriwang ng dental Health Month

Written by: Brex Bryan Nicolas

(Kabacan, North Cotabato/February 7, 2012) ----Makikiisa ang mga dentista dito sa north cotabato sa taunang pagdiriwang ng Dental Health Month na pinangungunahan  ng Phillipine Dental Association ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa panayam ng DXVL news kay Dra. Maria OLiva Yambao Damasco, isang dentista dito sa Kabacan, iba’t ibang aktibidad ang kanilang inorganisa para sa selebrasyong ito.

Makikiisa rin umano sila sa Free Dental Check up na “Kabarangay ng Colgate” na handog ng Colgate-Palmolive Company sa mga piling barangay dito sa Pilipinas. Dito sa Unang Distrito ng North Cotabato, maswerting napiling handugan ng libreng pagsusuri sa ngipin ang barangay Katidtuan ng Kabacan sa ngayong araw February 7, 2012, February 9 naman sa Carmen, February 14 sa Brgy Villarica, Midsayap, at sa Alamada, February 22.

Sa February 24 naman, gaganapin ang fun run na dadaluhan ng mga dentista dito sa North Cotabato, kasabay na rin ng kanilang culmination program sa selebrasyong ito.


(update) Estudyante sugatan sa pagsabog ng IED sa highway ng Carmen, N Cotabato

(Carmen, North Cotabato/February 7, 2012) ----Isang improvised explosive device o IED na gawa sa 81-mm na mortar ang sumabog sa Carmen-Bukidnon highway, partikular sa Barangay Cadi-is sa bayan ng Carmen, North Cotabato, alas-610 ng umaga, kahapon.
      
Sumabog ang bomba habang papadaan sa erya ang Rural Transit Bus na may plakang KVS 690 at body number 2930 na biyaheng Cagayan de Oro City patungong Tacurong City, Sultan Kudarat,
    
Isa katao ang sinasabing nasugatan sa naturang pagsabog.
      
Kinilala ang nasugatan na si Hazel Digamo, 20, estudyante ng University of Southern Mindanao at tubong Damulog, Bukidnon.
      
Naniniwala ang mga imbestigador na ang bomba ay para sa Rural Transit Bus at extortion ang sinasabing nasa likod nito.
      
Ito na ang ikalawang roadside blast na naganap sa highway ng Carmen-Kabacan, simula buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Noong Nobyembre, tinamaan din ng IED ang isang bus ng Rural Transit habang papasok ito sa bayan ng Kabacan, N Cotabato, kung saan isa rin ang nasugatan.

Patuloy pa ang mga imbestigador sa pag-alam sa grupo’ng nasa likod ng pagpapasabog.

Noong January 29, pinasabugan ng IED ang transport terminal sa bayan ng Pikit ng grupo’ng Al Khobar.  

Extortion din ang sinasabing motibo sa pagpapasabog.


Libu-libong halaga ng pera; natangay sa isang negosyante sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/February 6, 2012) ---Abot sa humigit kumulang sa P15,000 ang natangay ng mga di pa nakilalang mga magnanakaw sa isang negosyante na nasa Malvar St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kaninang hating gabi.

Batay sa report ng Kabacan PNP, nakilala ang may ari ng bahay na si Charity Ramos, 34-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Mahimbing umanong natutulog ang biktima ng pasukin ang kanyang bahay kungsaan sinira umano ng mga salarin ang kanilang bintana upang gawing entry points, batay sa mga bakas na nakita sa tindahan nito.

Maliban sa cash, tinangay pa ng magnanakaw ang Nokia cellphone nito.

At ng maisakatuparan ang masamang balakin ay agad namang tumakas papalayo ang salarin sa di malamang direksiyon.

Subject for manhunt na ng mga pulis ang mga suspetsado