Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa isang daang mga puno na nasa gilid ng USM, nakatakdang puputulin

Written by: Rhoderick Beñez

(USM, Kabacan, North Cotabato/January 31, 2012) ---Kahapon pa nagsimula ang pamumutol ng mga puno ng kahoy na nasa gilid ng University of Southern Mindanao na nakakasagabal sa mga residente ng Sunrise at Sunset at nakakasira pa umano ng bakod ng USM.

Ito ang napag-alaman mula kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan sa panayam ng Radyo ng Bayan ngayong hapon.

Ayon sa opisyal may kaukulang permit sila na inaprubahan ng DENR para mamutol ng mga kahoy.

Ang permit na ibinigay ng DENR ay nagpapahintulot sa pagputol ng kahoy sa gilid lamang ng USM dahil ang mga ugat nito ang dahiln kung bakit nasisira ang mga semento at ang bakod.

Aprubado naman ito sa pamunuan ng University of Southern Mindanao.

Kaugnay nito, dadalhin naman sa munisipyo ang mga pinutol na kahoy at gagawing mga upuan ng day care children.

Kabilang sa mga kahoy na puputulin ay mga Mahogany, G-melina at iba pa.

Gayunpaman, ang mga pinutol na kahoy ay papalitan naman ng MENRO  Kabacan at itatanim ang mga ito sa tamang lokasyon.

Motorsiklo, ninakaw sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/January 31, 2012) ---Ninakaw ng mga di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo sa loob mismo ng boarding house sa Malvar St., Poblacion, Kabacan, Cotabato na naganap sa pagitan ng ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Batay sa  report ng Kabacan PNP, ang kulay pula na XRM 125 na may plate number 9282 MC ay pag-mamay-ari ni Norsida Manampal, 24 may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sinira umano ng mga kawatan ang dalawang bintana ng boarding house  para gawing entrance point ng kawatan at dumaan sa main door na di naman namamalayan ng may ari habang mahimbing naman ang kanilang pagtulog.

Kaugnay nito, pauli-ulit namang nagpaalala ang mga otoridad lalo na sa may mga may-ari ng sasakyan na maging vigilante at tiyaking naka-double lock ang mga ito.

Sa ngayon, subject for manhunt na ng mga otoridad ang nasabing magnanakaw.

Una na ring inatasan ni Kabacan Mayor George Tan ang mga otoridad na paigtingin pa ang pagpapatrolya lalo na tuwing gabi.
 

Pinsala sa fishkill sa Lake Sebu umabot ng P3.8 M


Written by: Danilo Doguiles

KORONADAL CITY,  Enero  31 (PIA) --  Sa taya  ng Office of the Provincial  Agriculturist  ng South Cotabato  umabot sa  P3.8 milyon ang pinsalang  dulot ng  nangyaring   fishkill sa  Lake Sebu ilang araw ang nakalipas.

Ayon kay  Provincial Agriculturist  Reynaldo  Legaste,  unang  naiulat ng  municipal  fishery office  ng Lake  Sebu  na   46,050  kg  ng  tilapia ang lumutang  noong  Biyernes.

Nadagdagan pa ito ng   2,500 na kilo ng  tilapia   base sa  report  ng naturang  opisina  kahapon ng  umaga  o kabuuang  dami ng namatay  na  tilapia  na  48.5  tonelada.

Apektado sa  naturang  pangyayari ang  may  48 may-ari ng mga  fish  cage sa lawa.

Paliwanag ni  Legaste,  ang   fishkill, na tinatawag na “kamahong” ng mga   lokal na residente,  ay dulot  ng  kawalan  ng  oxygen sa lawa at  pag-release  ng  iba pang  chemicals na resulta  naman  sa  paglubog ng  sobrang  pagkain ng  mga tilapia sa   mga fish cage.

Karaniwang  nangyayari  ang  kamahong sa  Lake  Sebu isang  beses isang  taon.  Noong  Hulyo ng  nakaraang  taon,  umabot sa  13 na  tonelada ng  tilapia ang nasira  dahil sa  fish kill; nagkakahalaga ang naturang pinsala  ng  P1.4 milyon.

Umaasa  si  Legaste  na papapatapos na  ang  fishkill sa  naturang lawa  kung ang pagbabatayan ay ang  pagbaba ng  dami ng  mga tilapiang  namamatay noong  Biyernes  hanggang  kahapon.

Hindi naman  aniya  lahat ng  klase ng isda  mula  sa  Lake Sebu ang apektado ng  fishkill.

Pinakamainam umanong  gawin ay   tingnang mabuti ang  binibiling  tilapia.  Kabilang sa mga sinyales  na  biktima ito ng  fishkill ang   tuyong balat ng isda  at maputlang hasang  ng  isda.

Samantala, ayon kay  Legaste,  kahapon, agad  niya  sinertipikahan ang  pagpapalabas  ng  2.5 milyon  na tilapia  fingerlings  upang  ipamamahagi sa  mga may-ari ng  mga fish cage na apektado ng fishkill.

Aniya, layon ng  tanggapan  na matulungan ang  mga  mangingisda sa  lake Sebu na agad  makabangon mula sa  pagkalugi.


(Update) Limang extortion letter, natanggap ng isang tindahan sa Pikit, North Cotabato bago pinasabugan

Written by: Rhoderick Beñez

(Pikit, North Cotabato/January 31, 2012) ---- Itinuturong mga grupo ng Al-Khobar ang nasa likod ng pagpapasabog ng IED noong linggo ng gabi sa terminal ng Pikit, North Cotabato sa harap mismo ng isang target na tindahan.

Mrs. Filipinas
Ito makaraang sampung araw matapos makatanggap ng extortion letter ang negosyanteng si Cecilia Filipinas, sumabog ang isang improvised explosive device o IED na gawa sa 60-mm mortar sa harap mismo ng kanyang tindahan sa public market ng Pikit, North Cotabato.
Filipinas Store in Pikit, Cotabato

Inilagay ang bomba sa isang poste ng tindahan ni Mrs. Filipinas.

Ang mga shrapnel ng bomba tumama sa kisame ng tindahan at sa pintuan nito.

Extortion ang motibo sa pagpapasabog, ayon sa Pikit PNP.

Al Khobar Extortion letter
Ginamit na batayan nila ang extortion letter na tinanggap ni Mrs. Filipinas na umano nagmula sa grupo’ng Al Khobar, kilala sa pagiging extortionist sa bahagi ng south at central Mindanao.

Natanggap umano ni Mrs. Filipinas ang sulat noong January 19.

Pero ni kusing hindi raw siya nagbigay sa mga extortionist. Ito na ang ikalimang pag-atake sa tindahan ni Mrs. Filipinas.

Noong nakaraang taon, apat na beses din’g pinasabugan ang kanyang tindahan at bahay nang tumanggi siya’ng magbigay ng protection money sa grupo’ng Al Khobar.

Daan-dang mga ROTC Students ng USM, isinailalim sa taunang tactical Evaluation; USM-ICTC, pinasinayaan na

Written by: Lyka Ingrid Rubis

(USM, Kabacan, North Cotabato/January 30, 2012) ---Abot sa mahigit sa anim na daang mga 1st year Reserved Officer Training Corps o ROTC ng University of Southern Mindanao ang isinailalim kaninang umaga sa Regional Annual Administrative & Performance Evaluation o RAAPE.

Mismong si Col Eufronio G. Catalan Commander ng 12 Regional Community Defense Group ang dumalo sa taunang tactical ng mga ROTC students kanina.

Dinaluhan din nina USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije at USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon at iba pang mga USM administrative key officials ang nasabing programa.

Tampok dito ang drill test, theoretical, military stakes, announcement ng RAAPE na ngresulta ng 89%.

Disiplina sa sarili, isa sa mga binigyang diin din sa mensahe na ibinigay ni Catalan kungsaan nagkaroon agad ng turn over ng Unit Color mula sa RAAPE Chairman sa USM ROTC commandant.

Samantala sa iba pang mga kaganapan, pormal ng pinasinayaan kaninang umaga ang bagong Information and Communication Techonology Center o ICTC ng University of Southern Mindanao.

Ayon kay ICTC Director Prof. James Sirqueña ang bagong gusali ng ICTC ay makikita sa harap ng OSA Building sa loob ng USM Main Campus.

Pinangunahan mismo ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije at ni Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon ang ribbon cutting at sinundan agadng Blessing ceremony.

Ang ICTC ay nagbibigay ng internet services hindi lamang sa buong pamantasan kundi maging sa lahat ng studentry nito.

Isinagawa rin ang consultation meeting kasama ang ICTC personnel at USG Officers.

Senior Citizen sa bayan ng Kabacan, patuloy pa rin sa pagtanggap ng monthly pension.

Written by: Neriza Espino

(Kabacan, North Cotabato/January 30, 2012) ---Patuloy pa rin sa pagtanggap ng monthly pension ang mga qualified indigent senior citizen na may edad 77 pataas dito sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat, may naitalang 62 beneficiaries ang National Housing Targeting System Survey o NHTSS noong nakaraang taon.
Dalawampu’t dalawa naman ang mga benepisyaryong naitala ng LGU Kabacan na patuloy ng tumatanggap ng pension.

Dagdag pa ni Macalipat, 41 ang mga benepisyaryong naidagdag ngayong taon.
Inaasahang makakatanggap ng lifetime pension na 500 pesos kada buwan ang mga beneficiaries.

41-anyos na lalaki, tiklo dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa Pikit, Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Pikit, North Cotabato/January 30, 2012) ---Arestado ng mga elemento ng Pikit PNP sa isinagawang buy bust operation nila ang isang 41-taong gulang na lalaki dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Pikit, Cotabato dakong alas 3:50 kahapon.

Kinilala ni P/Sr Ins. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang suspetsado na si Jabide Balao’mol Abdullah, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Fort Pikit, North Cotabato.

Matagal na umanong minamanmanan ng mga otoridad ang nasabing tulak droga at kahapon ay nahulog na sa lamay ng mga otoridad ang suspetsado habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa iba pang mga kasamahan nila.

P300 na pera ang ginamit ng mga otoridad bilang marked money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous drugs act 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspetsado.

Mismong si Dandan ang nagsampa sa Kidapawan city prosecutors’ office kanina sa Kidapawan city ng kaso laban sa suspetsado, na ayon sa report ay non-bale able.

Una rito, maging si SP03 Sandique Solaiman ang investigator ng Pikit PNP ay aminado rin na talamak pa rin sa bayan ng Pikit ang illegal na droga, partikular na ang shabu.

8-anyos na bata, patay makaraang masagasaan ng Pick-up sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 30, 2012) ---Patay ang isang walong taong gulang na bata makaraang maaksidenteng masagasaan ng isang Pick-up ng National Irrigation Association o NIA sa brgy Kayaga, Kabacan, cotabato dakong alas 12 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni P02 Jeryl Vegafria ng Kabacan Traffic Police ang biktima na si Subaya Ogay, walong taong gulang at resident eng nabanggit na lugar.

Batay sa report, naglalaro umano sa gilid ng National Highway ang bata ng mabundol ng nasabing sasakyan na minamaneho ni Priam Sison na residente ng Koronadal City.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga attending Physician.

Sa ngayon nasa kustodiya naman ng Kabacan PNP ang suspek na nakabangga sa bata habang iniimbestigahan ang nasabing pangyayari.

Nakatakda namang  ilibing ang bata batay sa tradisyon ng muslim.

USM-ICTC, pasisinayaan na


 (USM, Kabacan, Cotabato/January 30, 2012) Pormal ng pasisinayaan ngayong umaga ang bagong Information and Communication Techonology Center o ICTC ng University of Southern Mindanao.

Ayon kay ICTC Director Prof. James Sirqueña ang bagong gusali ng ICTC ay makikita sa harap ng OSA Building sa loob ng USM Main Campus. Pangungunahan mismo ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije at ni Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon ang ribbon cutting at susundan ng Blessing ceremony.

Ang ICTC ay nagbibigay ng internet services hindi lamang sa buong pamantasan kundi maging sa lahat ng studentry nito. Mamayang alas 10:00 ng umaga ay gagawin din ang consultation meeting kasama ang ICTC personnel at USG Officers.

Granada sumabog sa Pikit, North Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez
(Pikit, North Cotabato/January 30, 2012) ---Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa bayan ng Pikit partikular na pumutok ang IED na 60mmsa terminal ng bayan alas 7:30 kagabi.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad posibleng extortion umano ang motibo ng mga salarin sa pagbabasabog malapit sa isang target na tindahan sa lugar.
Naganap ang pagsabog habang bumubuhos ang malakas na ulan kagabi.
Nilinaw naman ng mga otoridad na walang nasaktan o may namatay sa nasabing pagpapasabog na ngayon ay patuloy ng iniimbestigahan ng mga otoridad.

Naglaan ng 2.5 milyon ang Department of Health; para sa pagpapa-ayos ng RHU Kabacan.

Naglaan ng 1.5 milyon ang Department of Health para sa Rural Health Unit ng Kabacan sa ilalim ng kanilang programang Health Facility Enhancement program.

Ang halagang ito ay gagamitin para sa pagpapa-ayos ng Kbacan )RHU) upang mas mapapaganda ang naturang tanggapan.

Layon din bnitong mas mapapadali ang service delivery, scaled birth attendance facility at upang masiguro ang mas ligtas na serbisyo.
Ito rin ay mas inaayos upang mabawasan ang maternal and infant mortality.

Kaugnay dito, mayroon ding isang milyong halaga na nakalaan para sa mga equipment ng naturang tanggapan.

Ang naturang halaga ay nakalaan uapng ibili ng mga kagamitan o mga apparatus, para mas mapapadali ang mga gagawing operasyon.

Ayon kay RHU Dr. Sofronio Edu Jr., nagpapasalamat sya sa naturang halaga at nagpapasalamat din sya sa tulong ng Sangguniang Bayan.

Kaugnay dito, naglaan narin ng 500,000 ang LGU kabacan, para sa pagpapa-ayos ng Senior Citizen Office, para sa mas maganda at m,aayos na tanggapan para sa mga senior citizen ng bayan.