Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2012 Scholarship program para sa mga poor but deserving students sa North cotabato; bukas na para sa mga aplikante

Written by: Karol Jane Geolingo

Ipinapaalam ng office of the governor ng Cotabato province ang 2012 scholarship program sa lahat ng mga gustong makapag-aral sa kolehiyo na bukas na ang kanilang scholarship grants hinggil dito.

Ito ang inihayag ngayon ni Nonito “Nonoy” Mazo, in-charge ng scholarship sa Cotabato Provincial Government, kung saan ang scholarship program na ito ay naglalayong matulungan ang mga estudyanteng hindi kayang paaralin nang mga magulang, dahil sa kulang ang pangsuportang pang pinansyal.

Nais din nang scholarship na ito na ipaabot ang financial assistance sa mga karapat-dapat na mga estudyante na makakuha ng vocational or bachelors degree.

At upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga pamilya ng mga kwalipikado at karapat-dapat mag-aral ng kolehiyo at upang magkaroon ng magandang trabaho pagdating ng araw.

Para sa mga interesado ng naturang scholarship kailangan nyong magpasa ng mga kinakailangang dokumento sa office of the governor hanggang ngayong a-trentay uno ng buwang ito na lamang at hanapin lamang si NonoyMazo.

Kung saan kailangan lamang magpasa ng application letter para kay Gov. Lala TAlino Mendoza, photocopy ng authenticated birth certificate, copy of income tax return, affidavit na nagpapatunay na kayo ay walang ibang scholarship, photocopy ng authenticated fourth year form 138 at certificate of good moral character na galing sa principal noong high school.

Kung sino man ang makakapasa ng mga kompletong dokumento ay agad na bibigyan ng qualifying written examination na gagawin sa Midsayap Pilot Elem. School para sa mga galing ng 1st district at sa provincial gymnasium Amas, Kidapawan City naman ang mga galing ng 2nd district, kung saan ito ay gagawin ngayong darating na Feb. 15, 2012, sa ganap na alas nwebe ng umaga. At kung sino mang ang kwalipikadong kukuha ng pagsusulit ay kailangang magdala ng high school I.D.

Ang pagpili ng mga benepisyari ng naturang scholarship ay basi sa ranking ng bawat aplikante, tulad ng income 30%, Grade 30%, written exam 30% at interview 10%.

Ang mga scholarship committee naman ang bahala sa pag-iinterview ng mga aplikante.

Artificial Insemination gagawin sa 2 brgy. sa Kabacan

Written by: Karol Jane Geolingo

(Kabacan, North Cotabato/January 19, 2012) ---Magsasagawa ng Pregnancy Diagnosis, Estrus synchronization at Artificial insemination o (A.I) ang Philippine Carabao Center o PCC sa pangunguna ni Dr. Rafael Corpuz at A.I technician Erwin Janito.

Ang Artificial Insemination na ito ay isang paraan ng pagpapalahi sa kalabaw.

Ginagamit din ito para sa malawakang pagpapalahi sa ibang hayop sa buong mundo, kung saan isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng semilya mula sa piling bulugan, sa uterus ng inahin o dumalagang kalabaw sa tulong ng ilang instrument.

Ang layunin nang paggamit ng A.I ay upang maparami ang mga gatasang hayop sa pamamagitan ng semilya mula sa magandang uring bulugan.

Ang programang ito ng Carabao Development Program at sa pakikipag-ugnay ng Philiipine Carabao Center na nakabase dito sa USM ay gagawin sa barangay ng Banawag at Bangilan sa susunod.

Sa brgy Bangilan ay gaganapin ito alas 8-10 habang 10-12 naman sa Banawag sa susunod na Martes.

News letter ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, ilalabas

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 19, 2012) ---Nakatakdang ilalabas ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang kanilang newsletter hinggil sa R.A. 10121 upang mas lalo pang mapalaganap ang kaalaman ng publiko kung papaanu matugunan ang anumang mga sakuna o kalamidad sa bayan.

Ito ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Cedric Mantawil kasabay ng pagsasabing prayoridad din nila sa ngayon ang pagkakaroon ng sariling opisina para doon na lang ilalagay ang mga nabiling equipment.

Sa kasalukuyan ang tanggapan kasi ng MDRRMC ay nasa MILGO habang inaayos pa ang opisina nito bagama’t di pa nito inihayag kung saan partikular ito ilalagay.

Una rito, sinabi pa ng opisyal na dahan-dahan ng bumili ng mga equipment ang MDRRMO officer ng Kabacan para sa gagawing training at paghahanda sa di inaasahang sakuna at kalamidad sa bayan.

Ang nasabing training na ito ay gaganapin ngayong darating na buwan ng Marso taong kasalukuyan.

Kaugnay nito, naghahanap na din sila ng mga volunteers na residente lamang ng bayan ng Kabacan na may edad na labing lima pataas para sa binubuong rescue team.

Dagdag pa ni Engr. Mantawil, na kailangang makabuo ng 20 katao at hahatiin ito sa dalawa upang magkaroon ng dalawang rescue team na siyang reresponde sakaling may mga sakuna at kalamidad dito sa bayan.

Ngayong araw, ay magkakaroon sila ng pagpupulong ukol pa rin sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Code para sa final reading nito. (with reports from Lesly Grace Caballes)

150 megawatts na Deficiency ng Kuryente sa buong Mindanao; dahilan ng ipinapatupad na load curtailment

Written by: Rhoderick Beñez

150 megawatts Deficiency ang dahilan kung bakit nagkakaroon at nakakaranas tayo  ng Load Curtailment  o power interruption sa supply ng kuryente sa mga service erya ng Cotelco, partikular na sa Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL –Radyo ng Bayan ni Cotabato Electric Cooperative Spokesperson Vincent Lore Baguio, na ang problema sa generating plant ang dahilan ng mga manaka-nakang pag brown out sa mga electric cooperative at mga private utility sa buong Mindanao.

Hindi lamang sa bayan ng Kabacan nakakaranas ng tig-tatlumpung minutong power interruption, ayon kay Baguio kundi maging sa buong erya na sinasakupan nila.

Anya, patuloy paring umaakyat ang Load Demand dito sa buong rehiyon ng Mindanao, subalit walang sapat na suplay ang generating plant para mapunuan ito.

Kaugnay nito may sinusunod di umano na matrix na binigay naman ng MPC at PSALM na kung saan ang naturang 150 megawatts na deficiency ay mahahati sa lahat ng Electric Cooperative sa buong Mindanao.

Sa madaling salita ang buong Mindanao ay makakaranas ng power shortage. Dahilan umano kung bakit nakakaranas din tayo ng Fluctuation ay dahil sa Base Load at Pick Load na ginagawa. Dagdag pa, na trienta minutos ang mararanasan ng kada feeder na brownout sa buong area of responsibility ng Cotelco.

Kung kalian matatapos ang load curtailment na ito, di pa mabatid ng kanilang tanggapan, una rito gumagawa na ngayon ng hakbang ang pamunuan ng cotelco kung papaanu magamit ang karagdagang 25% na enerhiya buhat sa geothermal Power Plant bilang host province ang cooperative sa nasabing enerhiya  batay sa napagkasunduan ng DOE Act of 1992.

Scholarship, Philhealth at Financial Assistance; tinututukan ng Provincial Government

Written by: Jara Dominique Llemit

(Kabacan, North Cotabato/January 18, 2012) ---Kaugnay sa proyektong pamimigay ng vegetable seeds na kabilang sa programa na serbisyong totoo ni North Cotabato Governor Lala talino Mendoza ay mamahagi pa ang Governor ng Scholarship at Philhealth and Financial assistance program sa probinsya ng North Cotabato.

Ang nasabing Scholarship at Philhealth and Financial assistance program ay tinalakay kahapun ni Sr. Allan Montrales ang focal person of scholarship ni Governor Mendoza sa nangyaring pamimigay ng vegetable seeds sa gym ng municipyo ng Kabacan.

Ipamamahagi ni Mendoza ang 600 plus scholarship sa anak ng mga magsasakang hindi kayang tustusan ang kanilang anak na mag aaral sa kolihiyo.

Ayon kay Montrales, ibbigay ang naturang scholarship sa karapat dapat na istudyante lalong lalo na sa estudyanteng pursigidong makapag aral at makapag tapos na hindi kayang tustusan ng mga magulang nito. At ang Philhealth and Financial assistance program ay isang tulong na ibibigay sa mga higit na nangangailangan.

Para sa aplikasyon ng nasabing scholarship ay pumunta lamang sa ABC Hall sa munisipyo ng Kabacan.

Mass Rabies Vaccination; gagawin sa Bayan ng Matalam, Cotabato

Written by: Virgilio Abatayo

(Matalam, North Cotabato/January 18, 2012) ---Magsasagawa ng mass rabies vaccination sa pangunguna ni Dr. Wilfredo V. Juloya Jr. isang betirinaryo na gagawin sa Poblacion Matalam, Cotabato ngayong darating na Huwebes January 19 taong kasalukuyan.

Ayon kay Dr. Juloya Jr. layunin ng naturang programa na mapangalagaan at mapabakunahan ang mga alagang aso laban sa sakit na ito.

Dagdag pa niya, dapat na maging dog responsible owner ang isang nag-aalagang aso. 

Aniya, dapat pakainin ito sa tamang oras, bigyan ng magandang tirahan at pabakunahan.

Para sa mga dog owner, dalhin niyo lamang ang inyong mga alagang aso na may edad tatlong buwan pataas sa mga designated area kung saan may nagsasagawa ng bakuna.

Samantala, magkakaroon ng Operation Askal Team o panghuhuli ng mga galang aso ang Matalam PNP ngayong darating na January 23 hanggang sa Febuary 3 taong kasalukuyan sa Poblacion Matalam, Cotabato.

Layunin ng naturang programa na mahuli ang mga gumagalang aso dito sa bayan ng Matalam.

Ang mahuhuling aso ay iimpound sa Matalam PNP. Makaraan ng limang araw na hindi matubos ng may ari ang kanyang alagang aso, ay papatayin na ito gamit ang gas chamber o pagsunog nito sa naturang aso.

Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan ni Dr. Enrico P. Garzon Jr. at nang office of the municipal mayor.

Comprehensive land use planning ; ipinapatupad na sa bayan ng Kabacan

Written by: Karol Jane Geolingo

Isinagawa ngayong araw ang comprehensive land use planning validation seminar sa municipal hall ng kabacan, kung saan ito ay dinaluhan ng iba’t ibang sector ditto sa bayan.

Ang naturang seminar na ito ay ukol sa ipinapatupad na RA 7160 sa ilalim ng local government code 1991. Kung saan ang C.L.U.P ay binubuo ng tatlong volume. 

Ang unang volume ay tungkol sa comprehensive land use planning, nasa volume 2 naman ang zoning ordinance and implementing at pangatlong volume naman ang existing situation  problems indentified & intervention by sector.

Ayon kay zoning administration Florida Sabutan, ang layunin nang naturang seminar na ito ay upang mapaundlad at maisaayos ang bayan ng kabacan. At upang mapag-alaman din ang mga ginagamit na lupa, lalong-lalo na ang lupaing pang-agrikultura dahil sa kilala ang kabacan dito sa North Cotabato bilang rice granary. dagdag pa niya ang programang ito ay para sa bawat munisipalidad kaugnay ang mga sangguniang bayan sa buong bansa.

Kaugnay dito, matiwasay na natapos kanina ang pamimigay ng ibat- ibang klaseng vegetable seeds dito sa bayan ng kabacan na ginawa sa municipal gym, kung saan namigay ang provincial government ng 262 packs ng sari-saring vegetable seeds, kung saan isang ballot sa bawat benepisyari nito. 

Dumating din ang executive assistance ni Governor Mendoza na si Dr. Teodora casipe. Nagparaffle din sila kung saan namigay sila ng limang piko, sampong pala, mga sombrero at mga kalendaryo sa mga magsasaka, kabataan at kababaihan.


Handog Tsinelas Program ni Gov.Lala, naging matagumapay sa iba’t-ibang parte ng Cotabato

Written by: Suzanette Granfil

(Kabacan, North Cotabato/January 18, 2012) ---Libu-libong mga bata sa  iba’t-ibang bahagi ng Cotabato ang nakatanggap ng Pares ng Tsinelas mula sa “Handog Tsinelas” Program ni Governor Lala Taliño-Mendoza.

Mahigit sa dalawang libung mga estyudyante sa Poblasyon ng Carmen ang nakatanggap ng late Christmas na handog ng gobernadora sa mga kabataan.

Nakapamigay ng 2,191 na pares ng tsinelas sa mga 798 na mga batang mag-aaral ng Northwest Elementary School, 1393 naman sa Carmen Central Elementary School, Ayon sa Provincial Government.

Ang layunin ng naturang programa ay upang makabigay ligaya sa mga bata, maging sa resedente ng mga naturang lugar.

Habang sa bayan naman ng Antipas ay nakapamahagi din ang provincial government ng  261 na mga pares ng tsinelas kaugnay din nito ay namigay din sila ng mga gamot sa mga 258 na mga Senior Citizens doon.

Ayon pa sa ahensya, na marami pa daw umanong mga batang makakatanggap ng mga pares ng tsinelas sa susunod na pagbisita ng gobernadora sa mga iba’t-ibang baranggay sa probinsya sa tulong narin ng mga Private Sectors. 

Pamamahagi ng Binhi ng Palay, Isinagawa sa mga Barangay ng Mlang Cotabato Na Sinalanta ng Pagbaha

Written by: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ January 18, 2012) --- Namahagi kamakailan (1/12/2012) ng mga binhi ng palay sa mga magsasaka na sinalanta ng mga nakaraang pagbaha sa mga apektadong Barangay ng Mlang ang Provincial Government of Cotabato. Ito ay bahagi ng Serbisyong Totoo program ng lalawigan.

Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist sa ilalim ng pamamalakad ni OIC Provincial Agriculturist  Eliseo M. Mangliwan.

Ang mga binhi ng palay na ipinamahagi ay magsisilbing tulong na panimulang binhi ng mga magsasakang apektado ng mga nakaraang pagbaha. Pinangunahan ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang pamamahagi kasama ang mga kinatawan mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng lalawigan.

May kabuuang 454 bags ng certified na binhi ng palay ang naipamigay na ang variety ay NSIC 222 at NSIC 214.

Kaparehong bilang din ng mga magsasaka ang nabahaginan ng binhi na mula pa sa sampung Barangay ng Mlang na kinabibilangan ng mga sumusunod: New Lawaan; Dugong, Dungguan, Buayan, Liboo, New Antique, Inas, Lepaga, Lika at Dalipe.

Bago pa isinagawa ang pamamahagi ng binhi ay nagkaroon muna ng maikling palatuntunan na kung saan ipinaliwanag ang kahalagahan ng programa sa mga apektadong magsasaka ng mga nakaraang pagbaha.

Ayon kay Gov. Mendoza, ang nabanggit na Calamity seed assistance ay nabuo sa konseptong tulungan na makabangong muli ang mga magsasakang sinalanta ng flash flood na kung saan ang assistance na ito ay aprubado pa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato.





Libu-libong halaga ng pera natangay sa isang establisiemento sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

Kabacan, North Cotabato/January 17, 2012) ---Abot sa P310,000.00 ang natangay ng di pa nakilalang mga salarin sa Western Union, na nasa Rizal St., National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Pinpin enterprises.


Batay sa report ni Jieger Berdin mula sa Kabacan PNP, na siya ring manager ng nasabing establisiemento, nangyari umano ang nsabing insedente dakong alas 8:00 hanggang alas 10:00 kagabi, pwersahan umanong sinira ng salarin ang likurang bubong ng C.R. ng nasabing Western Union upang gawing entrance point.

Matapos hinalughog ng suspetsado ang buong opisina at nilimas ang mga cash ay mabilis namang tumakas ang suspetsado sa di pa malamang direksiyon.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naturang pagnanakaw habang naghigpit na rin ng seguridad ang nasabing establisiemento. (with report from DXVL News researcher Jara Dominique Llemit)

Sekyu ng USM, binarail; patay!

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 17, 2012) ----Dead on arrival sa ospital ang isang security guard ng University of southern Mindanao makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin alas 7:45 kaninang umaga sa National Highway, partikular sa wishbone café.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Edsarafel Limbak, nasa tamang edad, sekyu ng USM at residente ng Kilada, MAtalam, Cotabato na nagtamo ng sugat sa tagiliran na mabilis pang isinugod sa USM Hospital subalit binawian na rin ito ng buhay.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulisya, possible umanong .45 na pistol ang ginamit sa pamamaril batay sa mga empty shell na narekober sa crime scene.

Galing pa sa kanyang duty ang nasabing sekyu ng kumain lamang sa Wishbone sakay naman umano sa isang motorsiklo ang mga salarin matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril.

Inatasan na rin ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya na magsagawa ng hot pursuit operation para sa ikadarakip ng suspetsado.

Ito ang unang kaso ng shooting incident na naitala sa bayan.  

Dengue Cases sa bayan ng Kabacan bumaba

Written by: Rhoderick Beñez

Mas bumaba ang kaso ng Dengue sa bayan ng Kabacan noong nakaraang taon kumpara sa taong 2010.

Ito ang napag-alaman mula sa isang kalatas na ipinadala ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa DXVL FM kungsaan nakapagtala na lamang ng 65 kaso ng dengue noong nakaraang taon ang nasabing tanggapan kumpara sa 147 na kaso nito noong taong 2010.

Ayon pa kay Caballon, pinakamataas pa rin ang brgy Poblacion sa may pinakamaraming naitalang kaso ng nasabing sakit na umabot sa 30.

Ang nasabing resulta ay batay lamang sa mga data na kanilang nakalap sa mga ospital ng Kabacan:  Anulao St. Michael Medical Clinic and Hospital, Kabacan Medical Specialist, Inc; Kabacan Polymedic Cooperative Hospital at University of Southern Mindanao Hospital.

Ang mas mababang kaso ng dengue, ayon pa kay Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu, Jr. ay dahil sa kanilang patuloy na kampanya kontra sa pag-iwas ng nasabing sakit na dala ng lamok at paghimok sa mamamayan na maging malinis sa kapaligiran.


Mahigit sa 2 libung mga Day care Children isinailalim sa Supplemental Feeding Program sa Carmen, North Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/January 16, 2012) ---Patuloy pa ring isinasagawa ngayon sa bayan ng Carmen ang programang Supplemental Feeding para sa mga batang Day Care children sa lugar.

Ito ang napag-alaman mula kay Carmen MSWD Officer Elena Dapon kungsaan abot sa mahigit sa dalawang libung mga kabataan ang sumailalim sa nasabing programa sa nasabing bayan.

Ayon pa kay Dapon, ginagawa ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagluluto  ng mga  gulay at iba’t-ibang mga masustansiyang pagkain sa tulong ng kanilang mga magulang upang maging malulusog at masisigla pa ang kanilang mga anak.

Sinabi pa ng opisyal na ang programang ito ay para sa buong Region 12 na kinabibilangan ng iba’t-ibang mga munisipalidad at isa na dito ang bayan ng Carmen.

Samantala, inihayag naman ni DSWD Assistant Regional Director Gemma Rivera na ang nasabing programa ay sinimulan pa nitong nakaraang taon na kinabibilangan ito ng 21,048 na mga bata sa 940 na day care center sa North Cotabato; 13,322 na bata sa 537 na day care center sa South Cotabato; at 13,613 na bata sa 580 na day care center sa Sultan Kudarat.
Dagdag pa ni Rivera, ipinatutupad ang SFP ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang nutrition and children’s welfare program at tinutulungan lang ng DSWD 12 sa pamamagitan ng karagdagang pondo para sa ulam ng mga bata. Tumutulong rin ang National Food Authority kung saan nanggaling ang bigas na ginagamit sa SFP. (with report from Lesly Grace Caballes)

Iba’t-ibang sector may pahayag sa gagawing paglilitis kay Chief Justice Corona ngayong araw

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 16, 2012) ---Hindi umano sumasang-ayon ang ilang mga law students sa gagawing paglilitis kay chief Justice Corona, ito ayon sa nalikom na opinion ni USM Behavioral Science and Philosophy chairman Marcos Monderin at nagtuturo din sa isang  law school sa Digos city.

Pero para kay Monderin, dapat umanong umusad ang impeachment complaint laban kay Corona upang malaman talaga kung nagkasala ang punong mahistrado sa taong bayan.

Dagdag pa nito na kaya nga tinawag na trial dahil sa di pa naman napatunayan na nagkasala ang Chief Justice, at ito rin ang paraan para malinis ni Corona ang pangalan nito.

Para naman kay Philippine Information Agency 12 Regional Director Olivia Sudaria, kinatigan rin nito ang pagsusulong ng impeachment trial kay Corona na magsisimula na ngayong araw, dahil dito ipinapakita na kahit paman ang chief justice ay pang-limang pinakamataas na opisyal ng bansa ay walang sinasanto ang batas.

Dagdag pa ni Sudaria na tama lamang na ipursige ang nasabing paglilitis dahil dadaan naman ito sa due process na siya ring trabaho ng mga mahistrado.

Tinawag pa ng opisyal na “awakening” para sa lahat dahil kapag nagkasala sa batas kahit pa man nasa puder ng gobyerno ay walang malilibre.

Samantala sa hanay naman ng mga Kabataan ang nasabing isyu para kay Kabacan ANAKBAYAN Spokesperson Darwin Rey Morante usapin umano ito ng tunggalian ng dalawang panig lalo ng mga ilitistang nag-iiringan sa kapangyarihan.

Para sa mga militanteng grupo ng Kabataan nais nila ang totoong repormang pang-agraryo.

Samantala, ayon sa tagapagsalita ng impeachment court, handang-handa na sila sa impeachment trial ngayong araw. 

2 sa 11 mga LTO agents na ipinakulong n Gov. Lala, positibo sa isinagawang drug test

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 16, 2012) ---Nakalabas na ang siyam sa labin isang mga LTO agents na ipinakulong ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza makaraang makapag-piyansa noong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ni P/Insp Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP kungsaan dalawa sa mga ito ay nasa ilalim pa rin ng kanilang kustodiya at nakatakdang magbabayad ng piyansa ngayong araw.

Kasong usurpation of authority at official functions ang kasong isinampa sa kanila ng gobernador.

Ito dahil walang kaukulang deputation order na ipinakita ang mga ito buhat sa Land Transportation Regional Office.

Kinilala ni Colonia ang dalawang nakakulong na mga LTO agents na sina William Esmael at Alamada Israel, habang nakalaya naman sina Yusoph Mamaluba, Ferdan Reformado, Eddie Waguia, Teng Mastura, Roy Pedtamanan, Abdullah Paunti, Salapon Mulod, Jordan Jainal,at  Badrudin Ali.

Ayon sa report, ipinadampot ang mga ito ng gobernador noong Huwebes dahil sa pagsasagawa ng Highway inspection sa Matalam at Kabacan Highway na walang deputation order, ang nirereklamo pa ng marami, nakakaabala sa daan ang mga ito.

Napag-alaman pa sa report na dalawa sa mga LTO agent say nagpositibo sa illegal na droga matapos isinailalim sa drug test ang mga ito.

Una na ring ipinatawag ang mga LTO head district sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa diumano’y talamak na kotongon sa Highway ng North Cotabato, partikular sa Kabacan noong nakaraang taon.

Para naman kay LTO Kabacan head district Andy Batocapal, binay-pass umano siya ng kanyang mga tauhan dahil di nito alam ang nasabing operasyon.

Bagama’t di nakasama si Batocapal sa mga hinuli, laking gulat naman nitong malaman na kasama ang pangalan nito sa mga kinasuhan.