Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P200K tulong ng Kidapawan LGU sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Northern Mindanao; Mayor ng Magpet tutungo ng Iligan para personal na iabot ang tulong pinansiyal sa mga biktima ng baha doon

APRUBADO na ang release ng halagang P200 thousand mula sa calamity fund ng Kidapawan City LGU bilang tulong pinansiyal sa mga biktima ng bagyong Sendong sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan.
         
Bago nagsara ang fiscal year 2011 ay pinirmahan ni City Mayor Rodolfo Gantuangco ang Sangguniang Panglungsod o SP Resolution 11-442 na nagbibigay pahintulot sa kanya na gamitin ang naturang halaga mula sa calamity fund.
         
Una nang lumiham at humingi ng tulong kay Mayor Gantuangco at sa iba pang mga alkalde sa buong bansa si League of Cities in the Philippines president Oscar Rodriguez para sa mga biktima ng baha sa CDO at Iligan.
         
Kapwa kasapi ng League of Cities ang Iligan at ang CDO. Tatanggap ng tig-i-isang daang libong piso ang CDO at Iligan.
         
SAMANTALA, tutulak ng Iligan City si Magpet Mayor Efren Pinol para personal na iabot ang cash donation ng LGU sa mga biktima ng baha.

Dala din nila mga canned goods at iba pang relief items bilang tulong sa mga flood victims.

Sasabay din sa relief operations ang ilang mga Media mula sa North Cotabato para ihatid mga food items at used clothing na nalikom nito mula sa mga pribadong indibidwal at grupo. 

Kung matatandaan, nag-apruba din ang pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ng P200,000 ilang araw bago sinalanta ng bagyong Sendong ang CDO at Iligan, ang hakbang ay unang ginawa ni Kabacan Mayor George Tan bilang tulong nito sa mga naging biktima ng bagyo sa dalawang lugar kungsaan tig-P100,000.00 ang bawat lungsod.

Ang pondo ayon pa kay Kabacan Mayor George Tan ay kinuha mula sa calamity fund ng bayan.

Paglalagay ng IP representative sa mga Sanggunian, dapat hindi makisawsaw ang mga pulitiko –ayon kay Congresswoman Catamco

Written by: Rhoderick Benez
(Kidapawan City/January 5, 2012) ---Sinabi ni Cotabato 2nd District Congresswoman Nancy Catamco na hindi ito makialam sa proseso at sa pagpili ng IP mandatory representation sa mga Sanggunian ng mga LGU’s at maging sa barangay.

Giit pa ng opisyal na ang kanyang partisipasyon sa nasabing usapin ay ang pag-advocate nito, dahil isa ang opisyal sa pangunahing may akda ng nsabing batas kungsaan dapat ay may IP representation ang bawat taga-panday ng batas mula brgy., munisipyo at probinsiya.

Sa buong North Cotabato, ang Kidapawan City pa lamang ang may inaprubahang uupo sa Sanggunian bilang IP representative sa katauhan ni Ralyn Iguas, ayon pa kay Catamco.

Bagama’t dumaan din sa butas ng karayom ang proseso ng IP representation sa Kidapawan city, iginiit naman ni Catamaco na bagama’t malayong kamag-anak nito si Iguas ay di nito iniindorso.

Dalawa patay, 2 sugatan sa land conflict sa Tacurong City

TACURONG CITY, Sultan Kudarat (January 4, 2012) -- DALAWANG guwardiya ang patay, habang dalawang iba pa sugatan nang magkabakbakan ang kani-kanilang grupo sa loob mismo ng pinag-aagawang plantasyon ng oil palm sa Tacurong City, Sultan Kudarat, alas-830 ng umaga, kahapon.
         
Kinilala ng Tacurong City PNP ang mga nasawi na sina Eugenio Jacolina, 60, gwardiya ng Crown Security Agency at kabilang sa mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP sa plantasyon ng oil palm sa Barangay EJC Montila sa Tacurong City; at si Jerry Tangas, gwardiya ng Queen Bee Security Agency at tubong Barangay Tuael, President Roxas, North Cotabato.

Sugatan naman ang mga gwardiya’ng sina Aldrin Jacolina, 23, anak ng napatay na si Mang Eugenio; at si Salvador Flores, 36, ng Queen Bee Security Agency.

Ang mga gwardiya ng Crown Security Agency ay siya’ng pumuprotekta sa may 900 ektarya ng malawak na plantasyon ng palm oil na ipinamahagi na sa mahigit 300 indidibwal sa ilalim ng CARP.

Ang mga gwardiya naman ng Queen Bee Security Agency ay pumuprotekta sa bahagi ng plantasyon na inaangkin ni Enriquito Montilla na pinsan ni Tacurong City Mayor Lina Montilla.

Kung paano nagsimula ang armadong labanan sa magkabilang grupo, may kanya-kanyang bersyon ang bawat panig.

Ayon kay Analiza Capinpin, ang tumatayong spokesperson ng Mindanao Pioneer Palm Oil Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative o MINPARBENCO, una’ng lumusob sa kanilang plantasyon ang mga gwardiya ng Queen Bee Security Agency na agad nagresulta sa pagkamatay ni Mang Eugenio at pagkakasugat ng anak niya’ng si Aldrin na kapwa miyembro rin ng kooperatiba.

SA PANIG NAMAN NG PAMILYA MONTILLA, sinabi nila na una’ng lumusob sa plantasyon ang isang Eleazar Gallardo, dating chairman ng kooperatiba, kasama ang mga gwardiya ng Crown Security Agency.

Kasama umano ni Gallardo ang mag-amang Jacolina at iba pang gwardiya.

Isa sa mga gwardiya ng mga Montilla napatay, isa sugatan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng armadong bakbakan sa plantasyon.

Ayon kay Aaron Arumpac, ang provincial agrarian reform officer ng Sultan Kudarat, noong Hunyo ng nakaraang taon ay nilusob ng mga ‘di kilalang armadong lalaki ang plantasyon na nagresulta ng paglikas ng ilang mga CARP beneficiary sa lugar.

KUNG SI ARUMPAC ang tatanungin, resolbado na ang gusot sa lupa sa erya.

Noon pa raw ay nakapag-isyu na sila ng titulo ng lupa sa mahigit 300 indibidwal na benepisyaryo ng CARP.

Ang problema, may ilang may-ari ng plantasyon ang sa ngayon ay ‘di pa tanggap ang desisyon ng DAR Adjudication Board o DARAB.

SA NGAYON, naka-deploy na sa erya ang mga pulis ng Tacurong City PNP, SK Provincial Police Office, at mula sa Region 12, para magsilbing security force at nang ‘di na maulit ang naganap, kahapon.


Palengke sa M’lang may kumakalat na Dolphin, ibenibenta pa umano ng mga negosyante sa lugar

(M’lang, North Cotabato/January 4, 2012) --- Pinagkaguluhan ngayon ng mga mamimili ang tila dolphin na ibinenta sa Barangay New Rizal, M’lang, kahapon.

Pero wala ni isa sa mga mamimili ang naglakas-loob na bumili ng kahit na kalahating kilo ng naturang isda, ayon sa isang residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report, nangangamba na umano ang ilang mga taga-New Rizal ng malaman na dolphin na ang ibinebenta sa kanilang palengke kung kaya’t takot na umano silang mamili doon at baka dolphin na isda na ang kanilang mabili.

Sa impormasyon nakalap ng DXVL, halos 50 kilo umano ang bigat ng nasabing dolphin kungsaan natadtad na ang naturang isda at dinidisplay sa palengke.

Duda sila na dala-dala ng bolantero mula sa General Santos City o Digos City ang naturang isda.

BATAY sa isinasaad ng batas, ang mga isda na tulad ng dolphin ay bawal na ibenta sa kahit na saan sa Pilipinas.

At ang sinumang mapatutunayang nagbebenta ng ganito’ng uri’ng isda ay mananagot sa ilalim ng batas. 

South Cotabato nakaalerto sa pagbaha at landslide na maaring idulot ng LPA

Written by: Danilo Daguiles

KORONADAL CITY,  January  4, 2011 (PIA)  ---- Sa takot  na mangyari sa  South Cotabato ang  kaparehong  trahedya  na  nangyari  kamakailan sa  Cagayan de Oro at  Iligan  City,  nakaalerto ngayon ang pamahalaang  panlalawigan  sa  posibilidad ng pagbaha at  pagguho ng  lupa o landslide  na maaring idulot  ng  low pressure area    sa  silangan ng  General Santos  City.

Ayon  kay  Isidro Janita,  hepe ng  Provincial Disaster Risk Reduction and Management  Office (PDRRMO),  minamanmanan ngayon ang  sitwasyon  ng  mga  ilog  sa  upland area na  maaring  magdulot ng pinsala sakaling  magtutuloy-tuloy ang  buhos ng  ulan.

Ipinag-utos  na rin ni  Gov. Arthur  Y. Pingoy Jr. ang  round-the-clock monitoring  sa mga ilog at  tributaries ng  mga malalaking  ilog sa lalawigan, kabilang ang  Allah River at  Banga  River na madaling bumabaha. 

Kabilang din sa  mahigpit  na minamanmanan ngayon ang  Luhan River  malapit sa Lake Maughan sa  T’boli kung saan  may nagyaring  pagbabara  ng  daloy ng tubig  dulot ng  landslide  noong Disyembre 26.

May  apat na katao na ring nagmamanman sa  lebel ng  tubig ng  Lake Maughan upang masigurong mabibigyan ng babala  ang mga  residente  malapit sa Allah River sakaling magkakaroon ng  delikadong sitwasyon sa lawa.

Ani Janita,  naipalaam  na  nila sa lahat ng mga barangay sa lalawigan ang kautusan na  maging  alerto sa lahat ng panahon  lalung lalo na  kung may malakas na pagbuhos  ng  ulan.

Batay  sa   ulat  ng  Pagasa  kaninang  alas 8 ng umaga, namataan ang low pressure  area  240  na  kilometro  Silangan Timog Silangan  ng  General Santos  City.    Maari umanong  magkaroon ng malawakang pag-uulan sa   Southern Mindanao, kabilang ang  Sarangani, General Santos at South Cotabato na  maaring  magdulot ng  pagbaha  at  pagguho ng  lupa.

Ayon kay Janita, mas mainam na  na maging  handa  dahil hindi na  tiyak ang resulta  ang pabagu-bagong panahon. 

Business One Stop Shop o BOSS sa mga Renewing at Registration ng Business Permit sa Kabacan, pormal ng nagsimula

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 4, 2012) ---- Nagsimula na kahapon ang Business One Stop Shop o Boss sa Kabacan LGU para sa registration at renewing ng mga business permit ngayon taon.

Ito ang sinabi ni Administrative Officer Cecilia Facurib kungsaan magtatagal ito hanggang sa Enero a-biente, 2012 ang itinakdang palugit.

Tinawag itong Business One Stop shop dahil sa mas pinabilis ang proseso at mas pinadali ang bawat transaksiyon sa pag-rerenew at pag-paparehistro ng mga business permit ng mga negosyante dito sa bayan ng Kabacan.

Kung dati ay aabutin ng ilang oras ang pag-paparenew sa ngayon minuto na lamang ang itatagal nito kapag, makumpleto na agad ng mga business man ang lahat ng mga requirements at abot na lamang sa limang araw ang itatagal ng mga mag-aaply ng bagong business Permit.

Ayon pa kay Facurib kabilang sa mga BOSS team ay ang Bureau of fire Protection na pangungunahan ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon, Sanitary mula sa Health Office, Zoning clearance mula sa MPDC na pinamumunuan ni MPDC head Buenaventura Pacania at ng Eco-Solid Waste Management clearance mula naman sa MENRO Office.

Kung matatandaan, isa ang bayan ng Kabacan sa mga munisipyo sa North Cotabato na mabilis ang pag-angat ng ekonomiya at pag-unlad sa negosyo dahil na rin sa masiglang kalakalan dito.

Pinagmamalaki din ng LGU Kabacan na ang kanilang procurement ay sa pamamagitan na ng electronics dahil na kapagrehistro na sila sa PhilGEPS, ayon kay administrative officer Facurib.