Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SEA- K Associations sa Unang Distrito ng North Cotabato, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/January 4, 2011) --- Kahapon unang Martes ng 2012, ipinamahagi ang capital seed fund checks sa walong Self Employment Assistance o SEA- K Associations sa unang distrito ng North Cotabato.

Personal na dinaluhan ni DSWD XII Regional Director Bai Zorahayda Taha ang nasabing awarding of checks sa mga benepisyaryo sa Congressional District Office, Midsayap, North Cotabato.

Hinikayat ni Director Taha ang mga benepisyaryo na palaguin ang tulong pinansyal upang magkaroon ng pagkakataong pumasa sa level 2 ng SEA- K program.

Kabilang sa mga asosasyong tumanggap ng cheke ay ang mga sumusunod; Narang- ay Ti Amianan, Mannalon iti Abagatan, Dalapuan Irrigators, Bangilan Irrigators, KabRIS 5 Division E, KabRIS 1 Division A, Malu- ao, Pigcawayan Irrigators, at New Panay, Aleosan Drivers Association.

Pinasalamatan naman ng mga benepisyaryo si North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa kanyang patuloy na pagbibigay atensyon sa mga magsasaka at iba pang sektor upang sila ay mapabilang sa mga programang isinusulong ng gobyerno.

Sinabi rin ni Cong. Sacdalan na ipagpapatuloy nito ang paghahanap ng mga karagdagang pondo upang madagdagan pa ang bilang ng mga SEA- K beneficiaries sa kanyang distrito. Hinimok din ng opisyal ang mga benepisyaryo na tahakin ang tuwid na landas sa pamamagitan ng pangagalaga at pagpapaunald ng natukoy na government livelihood assistance.

Matatandaang nagkaroon na rin ng awarding of CSF checks sa pitong SEA- K associations noong October 2011.

Mga 2-stroke na tricycle na namamasada sa loob ng USM, binigyan na lamang ng hanggang May 15, 2012 na palugit

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 4, 2012) --- Noon pang 2009 nagpalabas ng abiso ang pamunuan ng University of Southern Mindanao sa lahat ng mga tricycle drivers at operators na nag-ooperate sa loob ng USM main campus na nagbabawal sa pagpasok sa loob ng pamantasan ng mga 2-stroke na motorsiklo.

Ito dahil ang mga 2-stroke na motorsiklo ay mausok at napaka-ingay at nakaka-distorbo sa mga estudyante na may mga klase sa bawat kolehiyo kapag bumabiyahe ang mga ito sa loob ng Pamantasan.

Dahil sa bago ang ilang mga unit ng mga drivers, humingi sila ng palugit kay USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije ng isang taon. Kaya naman pinayagan sila ng Pangulo na mag-operate ng buong taon noong 2010.

Bagama’t ang ilan ay nagpalit na ng 4-stroke, marami pa rin ang umaapela na palawigin pa ang ultimatum na itinakda ni Dr. Derije na bagay namang pinagbigyan ng Pangulo sa ikalwang pagkakataon noong 2011 na hanggang Disyembre na lamang sila pwedeng magpasada.

Kaya pagpasok ng taong 2012, mahigpit na itong ipagbabawal ng pamunuan ng USM ang nasabing mga motorsiklo.

Sa unang araw ng pasukan sa taong ito, kahapon, abot pa rin sa mga 70 na mga tricycle ang pumasada na nasa 2-stroke kung kaya’t binawalan na sila ng mga security force ng USM na pumasok. Para hindi na uminit ang diskusyon, agad namang nagpatawag ng diyalogo ang Pangulo sa mga hanay ng mga tricycle drivers at operators kaninang umaga.

Napag-usapan nila na hanggang May 15 na lamang ang palugit na ibibigay ngayon taon para sa mga 2-stroke na motorsiklo.

Pero para kay Jun Jabinar, residente ng Lower Paatan noon pang 1990 namamasada na ito sa loob ng USM, para sa kanya magandang hakbang ang ginawa ng Pangulo ng USM para sa isinusulong na clean air Act ng pamahalaang Nasyunal at upang maiwasan ang ingay ng mga sasakyan sa loob ng Pamantasan.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat ang Presidente ng Assosasyon ng mga tricycle na si Jeffry Pedtamanan kay USM Pres Jess Derije dahil sa naging maayos na dayalogo na isinagawa sa loob ng Pamantasan at para matuldukan na rin ang isyung ito.

Kaugnay nito inihayag ngayong umaga sa programang USM ngayon at bukas ni Executive Assistant to the Pres Tomas Bebot Moneva na agad na nagbuo sila ng kasunduan na hanggang May 15, 2012 na lamang ang ibinigay na palugit para sa mga 2-stroke na motorsiklo, dapat nakapagrenew sila ng kanilang prangkisa at maayos na pakikitungo sa mga pasahero nila lalo sa mga estudyante.

Kapatid ng primary suspect sa Tentorio killing nagsalita na; mga akusasyon kontra sa kanilang magkapatid itinanggi

TODO-TANGGI si Roberto Ato, kapatid ng umano primary suspect sa pagpatay sa pari’ng Italyano na si Fausto Tentorio, na sangkot siya at ang kuya niya’ng si Jimmy Ato sa krimen.
       
Aniya, no’ng mangyari ang krimen, nagtatanim ng cacao ang kanyang kuya, habang siya, nagtungo ng Bukidnon para dalawin sa German Hospital ang maysakit na anak.   Kasama niya na nagtungo sa ospital ang tatlo niya’ng mga anak.
       
Nakinig pa raw ang kuya niya ng report sa radyo sa kanilang bahay sa Barangay Kulaman Valley sa bayan ng Arakan tungkol sa kamatayan ng pari. Dala-dala niya rin ang card sa German Hospital bilang patunay na nandon nga siya sa Bukidnon no’ng patayin si Tentorio sa loob ng parokya niya sa Arakan.
       
AYAW DI’NG MANIWALA ni Roberto sa report ng NBI na ikinanta na raw siya ng kanyang kuya na umano ang driver ng kulay asul na Honda XRM na ginamit na get-away vehicle no’ng araw na patayin ang pari.

Taliwas din sa ipinangangalandakan sa report ng NBI na may mga armas ang magkapatid na Ato, di raw ito totoo.   Kung mayroon man, mga “lagaraw” lang at gamit sa pagsasaka ang  hawak nila.

Itinanggi rin niya na binaril niya ang mga NBI agents na kumuha sa kapatid niya. SA KABILA ng mga pahayag ni Roberto, matibay pa rin ang paninindigan ng National Bureau of Investigation o NBI na tama’ng tao ang kanilang binitbit sa Barangay Kulaman Valley sa Arakan, noong December 29.

Ayon kay Atty Virgil Mendez, ang deputy director for Regional Operations Services ng NBI, ang operasyon kontra kay Jimmy Ato ay produkto ng mahaba-habang surveillance, monitoring, at pagpapalalim sa imbestigasyon ng NBI.

SA NGAYON, nananatiling nasa kustodiya ni Cotabato 2nd district Representative Nancy Catamco si Roberto. Nilinaw ni Catamco na hangga’t wala’ng warrant of arrest na ihaharap sa kanya ang mga pulis, di niya itu-turnover si Roberto.
Ang mga Ato sa Barangay Kulaman Valley ay mga lider ni Catamco.   

GRO, pinagbababril sa Carmen, Cotabato; patay

Written by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/January 3, 2012) ---- Dalawang araw matapos ang pagsalubong ng bagong taon, swak agad sa karit ni kamatayan ang isang pinaniniwalaang guest relation officer makaraang pagbabarilin patay alas 6:45 kahapon ng umaga sa compound ng 3 Marias video K House sa Purok 7, bayan ng Carmen, Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni P/Inspector Jordine Maribojo ang biktima na si Bai Ana Bantas Daud, isang GRO at residente ng Kidapawan City.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa tiyan nito na mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan subalit, ideneklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang mga cartridge ng kalibre .45 na pistol na siyang ginamit ng salarin sa pamamaril.

Agad namang ikinasa ng Carmen PNP ang hot pursuit operation para sa posibleng pagkakadakip ng suspetsado.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang totoong motibo ng nasabing pamamaril.

Sa kasalakuyan ay nasa Carmen Villa Funeral at bangkay na biktima, wala pa rin umanong mga kamang-anak nito ang umaangkin sa bangkay ni Daud.
Kaya panawagan ngayon ng Carmen PNP sa mga kamag-anak ni Bai Ana Bantas Daud na kunin ang bangkay nito sa Carmen Villa Funeral para mabigyan siya ng desenteng libing.

Bahay sa isang subdibisyon sa Kidapawan City tinupok ng apoy

HINDI maganda ang pasok ng Bagong Taon kay Aling Corazon Dureza-Onor matapos matupok ng apoy ang bahay niya sa Block 22, Lot 4, ng Sandawa Homes Phase 1 sa Poblacion ng Kidapawan City, bandang alas-12:30 ng tanghali, kahapon.

Tuliro si Aling Corazon kung saan sila mananatili pansamantala ngayong tupok na ng apoy ang kanyang bahay.

Inamin ni Onor na walang tao sa bahay nila nang maganap ang sunog.

Umalis daw sila’ng mag-anak para kumain sa labas.

Sa text na lamang niya nalaman na nilalamon na ng apoy ang kanyang bahay.

Pagdating niya sa erya, 90 porsiento ng bahay niya tupok na.

Duda si Onor na naiwanang appliance plug o faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Dahil sa maagap na pagresponde ng City Fire Department naiwasan ang pagkalat ng apoy sa subdibisyon.

Kulang-kulang isang milyong piso ang halaga ng mga gamit at bahay na tinupok ng apoy, ayon kay Onor.

Bangkay ng matandang lalaki na natagpuan sa palengke sa Kidapawan City kilala na

KIDAPAWAN CITY (Jan 3/) -- MAY UMANGKIN na sa bangkay ng matandang lalaki na natagpuan noong bisperas ng Bagong Taon sa palengke ng Kidapawan City.
         
Ang bangkay ay nakilalang si Alejandro Magcanan, 55 years old, binata, at taga-Purok Milagrosa, Barangay Matapol sa bayan ng Norallah, South Cotabato.

Ayon kay Aling Damiana Magcanan, bayaw ng biktima, noon pang nakaraang Disyembre naiulat na missing ang kanilang kaanak.    Di rin nila batid kung saan ito nagpunta. Si Mang Alejandro, ayon pa kay Aling Damiana, ay may disability at hirap raw ito magsalita.

Di maintindihan ni Aling Damiana kung paano’ng nakarating sa Kidapawan City ang kanyang bayaw. Nalaman na lamang ni Aling Damiana ang sinapit ng kanyang bayaw sa tulong ni Nurallah Mayor Victor Balayon na agad namang tumugon sa nasabing panawagan.

Si Mayor na ang nagpahanap sa mga kaanak ni Mang Alejandro sa Barangay Matapol. Si Mayor na rin ang aako ng pagpapalibing sa bangkay ng matanda, habang aakuin raw ng city government ang bayarin sa pagpapa-embalsamo at funeral expenses sa Collado Funeral Homes sa Kidapawan City, ayon kay Mega Market administrator Rocaya Patadon.

Laking pasasalamat ni Mayor Balayon na nahanap rin ng mga kaanak niya si Mang Alejandro na matagal ding nawala sa kanilang bayan.
         
SI MANG ALEJANDRO ang matandang maysakit -- na no’ng ihatid ng Civil Security Unit o CSU sa Kidapawan City Hospital ay tinanggihan ng staff dahil lang sa katwiran na wala sila’ng charity ward.
         
Kahit naghihingalo na ang matanda no’ng mga oras na ‘yun, di pa rin tinanggap ng ospital si Mang Alejandro.   Sa halip, inirekomenda nila na dalhin sa isang private hospital ang matanda.

Dahil wala’ng pera ang mga CSU operatives, nagpasya na lamang sila na ibalik sa palengke kung saan nila nakita si Mang Alejandro sa pag-aakalang babalikan ito ng kanyang mga kaanak.                                            

Pero makalipas ang ilang oras, binawian din ng buhay si Mang Alejandro.  

Tricycle at Pick-up, nagbanggaan sa Kidapawan City; isa patay

Written by: Rhoderick Beñez

Dead on the spot ang isang babae na sakay ng tricycle makaraang masangkot ang sinasakyan nito sa isang vehicular accident kagabi na naganap sa Crossing Bautista St., Kidapawan city.

Batay sa report ng Kidapawan Traffic Police, nagbanggaan umano ang nasabing tricycle sa Pick-up na kasalubong nito makaraang biglang lumiko ang tricycle sa binabaybay nitong kalye ng Lungsod.

Hindi pa mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nasa kustodiya ngayon ng Kidapawan city PNP ang dalawang mga sasakyan na kapwa ngtamo ng iba’t-ibang kasiraan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (With reports from Larry Baja Subillaga)

Kapatid ng primary suspect sa pagpatay kay Father Tentorio nananatiling nasa kustodiya ng kongresista sa ikalawang distrito ng North Cotabato

HANGGA’T walang ipinapakitang warrant of arrest ang mga awtoridad, hindi itu-turnover ni Cotabato 2nd district Representative Nancy Catamco si Roberto Ato, kapatid ng itinuturing na primary suspect sa pagpatay kay Father Fausto Tentorio, PIME.
       
Hanggang noong Sabado, wala’ng maipakitang order ang mga pulis ng Cotabato Provincial Police Office at mula sa Region 12 para arestuhin si Roberto.

NOONG BIYERNES, nagtungo si Roberto sa opisina ni Catamco para humingi ng tulong matapos marinig niya sa radyo na subject siya ng manhunt ng National Bureau of Investigation o NBI dahil sa umano pagkakasangkot niya sa krimen ng pagpatay kay Father Tentorio.

Todo-tanggi si Roberto sa alegasyon.   Katwiran niya, no’ng maganap ang pagpatay kay Tentorio nasa isang ospital siya sa Bukidnon para asikasuhin ang anak na maysakit.
        
Si Roberto na isang habal-habal driver ay nakababatang kapatid ni Jimmy Ato, itinuturing na primary suspect sa pagpatay sa pari’ng Italyano.
        
Nasa kustodiya pa rin ng NBI sa kalakhang Maynila si Jimmy.
        
Ayon sa NBI, ikinanta na raw ni Jimmy ang mga taong kumausap sa kanya para gawin ang krimen.  

Itinuro niya ang isang makapangyarihang pulitiko at isang opisyal ng Philippine National Police na umano mga mastermind sa pagpatay.

Pero itinanggi ng NBI na ihayag sa publiko ang pagkakilanlan ng mga ito habang ‘di pa nakukumpleto ang kanilang imbestigasyon.

Gwardiya ‘di na nakasama ang pamilya sa Bagong Taon matapos mamatay nang mahulog sa ‘di kalalimang kanal sa Kidapawan City

NATAGPUAN na lamang na duguan at walang buhay sa isang ‘di naman kalalimang kanal sa highway ng Kidapawan City ang gwardiya na si Edgar Raydan, bandang alas-9:30 ng umaga, kamakalawa ng hapon.
      
Isang trabahante sa may restoran sa highway ang unang nakapansin sa bangkay habang hinahakot ang basura sa labas ng kanilang establisiemento.
      
Nang suriin ng mga imbestigador ang bangkay, nakita nila ang duguang bahagi ng kanang tenga nito.  

Posible, ayon sa PNP at sa SOCO, na nabagok sa semento ang ulo nang lalaki nang mahulog ito sa kanal habang naglalakad pauwi.    

Ang kanal ay walang harang kaya’t nagtuluy-tuloy sa kanal ang umano lasing na lalaki. 

Na-recover mula sa bangkay ang kanyang ID sa pagiging security guard at nabasa na Nokia celfon.

Nabatid na lamang ng mga kamag-anak ng lalaki ang nangyari sa kanya nang tawagan na ng mga pulis ang kani-kanilang mga numero.

Nakahimlay sa Wood Haven Chapels sa Barangay Manongol sa Kidapawan City ang bangkay. 

6 na vehicular accident naitala ng Kabacan PNP bago ang bagong taon at pagsalubong ng bagong taon, 3 katao patay

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan/North Cotabato December 3, 2012) --- Tatlo katao ang binawian ng buhay, 2 dito hindi na umabot ng bagong taon makaraang masangkot sa magkakahiwalay na aksidente sa daan.

Alas 10:45 noong Huwebes, December 29, 2011—Dead on Arrival sa ospital ang isang Abu Limpangan habang DOS o dead on the spot naman ang isang Abubakar Dagem, 57 kapwa residente ng Datu Montawal, Maguindanao.

Nang maaksidente ang mga ito sa National Highway, Partikular sa Brgy. Kayaga, Kabacan, sakay sa motorsiklo na  kanilang minamaneho, ayon sa report ni P02 Jeryl Vegarfia, ang traffic officer ng Kabacan PNP.

December 31--- isang Kawasaki Bajaj na minamaneho ni Joel Guimbangan, BPAT team ang aksidenteng nabundol naman sa isang XRM 125 motorcycle sa National Highway papuntang brgy. Aringay, habang papunta ito sa kanyang duty sa Plang village.

Nakabangga ni ang isang XRM na minamaneho ni Mandy Lacbao ng Bannawag kasama ang angkas nito na nakilalang si Karen Gravidez.

Kapwa sugatan ang dalawa kasama ang angkas ng XRM na mabilis namang isinugod sa USM Hospital.

Samantala, ilang oras pa lamang matapos salubungin ang bagong taon, naaksidente naman ang isang Datumama Tacuken, 24 at residente ng Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.

Naganap ang insedente sa Corner Jacinto St., Poblacion ng bayang ito ala 1:00 ng madaling araw nitong primero uno ng Enero.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical specialist at agad namang inilipat sa Kidapawan city at dinala pa sa Davao city subalit binawian na rin ito ng buhay.
Sa data ng Kabacan Traffic Police mula December 28 ng nakaraang taon hanggang kahapon abot na sa anim na vehicular accident ang naitala ng Kabacan Traffic Police.

Kaya naman paalala ngayon ng pamunuan ng Kabacan PNP na mag-ingat sa pagmamaneho ang mga motorisata lalo pa’t dagsaan ngayon ang mga pasahero sa iba’t-ibang mga terminals sa North Cotabato.

Lalaki patay sa pananaksak sa Isulan, SK; isa pang lalaki sugatan matapos pagsasaksakin ng kapitbahay sa Tacurong City

ISULAN, Sultan Kudarat (January 2, 2011) KAPAPASOK lang ng Bagong Taon nang malagutan ng hininga ang isang binata na kinilalang si Jerry Cabanlit matapos saksakin ng kanyang kainuman sa may Barangay Kalawag-3 sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, ala-115 ng umaga, kahapon.
       
Kinilala ang suspect na si Ulysses Martin, 39, na kapitbahay ng biktima.
       
Ayon sa report, nag-iinuman ang dalawa habang sinasalubong ang Bagong Taon nang magkainitan.
       
Sinaksak ng suspect ang biktima sa may dibdib.   Sa ospital nalagutan ng hininga ang biktima habang ang suspect tumakas sa ‘di malamang direksyon.
             
       
SA TACURONG CITY, sugatan ang 33-taong gulang na si Sonny Eseco Fernandez nang saksakin ng isang Rozaldo Medina, alas-1045 ng gabi sa may Purok Namnama, Barangay San Emmanuel, noong bisperas ng Bagong Taon.
       
Ayon sa report, naglalakad pauwi ang biktima nang lapitan ng suspect na lasing no’ng mga oras na ‘yun.  Bitbit na ng suspect ang kutsilyo na ginamit niya para saksakin ang kanyang target.

Nang makitang nakahandusay na sa kalsada ang biktima, tumakas ang suspect.

Pero agad namang sya’ng nahuli ng mga rumespondeng pulis, ayon sa report ni NUJP News stringer Benjie Caballero.

SA BAYAN NG M’LANG, patay ang 44-taong gulang na jeepney driver na si Domingo Sanchez alias Momot ng Barangay La Fortuna matapos barilin sa ulo ng isang Efren Madrelino alias Digol na taga-Barangay Bialong, alas-1245 ng hapon, noong December 31.
        
Ayon kay Police Officer 3 Ric Untalan ng M’lang PNP, nagpalit ng gulong ang driver na si Sanchez nang lapitan ni Madreliño at kunin nito ang kalibre 45 na pistola na nakasukbit sa baywang ng biktima.
        
Ito raw ang ginamit ng suspect para barilin sa ulo ang kanyang target.
        
Nasaksihan mismo ng dalawang mga anak ng biktima ang malagim na kamatayan nito.
        
Love triangle ang sinasabing motibo sa pagpatay, ayon sa report.
       
        
SA KIDAPAWAN CITY AT MAKILALA, isa ang patay habang labing-isa ang sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident noong bisperas ng Bagong Taon.
        
Sa Kidapawan City, sugatan ang tatlong driver ng tatlong mga motorsiklo at apat na mga pasahero nila nang magsalpukan ang naturang mga sasakyan sa may Barangay Sudapin, alas-630 ng gabi, noong De 31.
        
Lasing umano ang isa sa mga driver na kinilalang si Leo Renatok, nagmamaneho ng XRM 125 motorcycle.
        
Sugatan din sina Gerald Tasi, driver ng Yamaha STX; Dodo Landas, driver ng Motor Star; mga pasahero na sina Evelyn Landas, Julio Landas, at Raymond Catawanan, at Cesar Javier.
       
        
SA BAYAN NG MAKILALA, patay ang isang Zenaida Makiling, 32 years old, nang mabundol ng XRM 125 motorccle ang sinasakyan niya’ng Motor Star motorcycle habang binabaybay nila ang kahabaan ng Tacurong-Makilala, alas-7 ng gabi, noong December 31.
        
Sugatan naman ang mister niya’ng si Jessie Makiling.
        
Samantala, sugatan din ang driver ng Honda XRM 125 na si Arturo Montero na empleyado ng Kidapawan City LGU at ang angkas na sina Arturo Montero, Jr., at Guadalupe Montero.
        
Pawang isinugod sa Kidapawan Medical Specialist Hospital ang mga sugatan.  

Mahigit sa P20,000 na mga ipinagbabawal na paputok, nakumpiska ng Kabacan PNP

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 2, 2011) ---- Abot sa P20,000 ang mga ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska ng pamunuan ng Kabacan PNP, isang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon alas 3:00 ng hapon noong Disyembre a-31.

Ang kampanya kontra sa ipinagbabawal na firecrackers dito sa bayan ay pinangunhan ni Deputy chief of Police P/Senior Inspector Jubernadin Panes na isinagawa mismo sa bahagi ng National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kabilang sa mga prohibited na mga illegal firecrackers ang nakumpiska ng mga otoridad  sa Rizal avenue, ng National Highway Poblacion, Kabacan ay ang mga sumusunod: 5 length ng 1 hundred rounds na Judas Belt, 60 rims ng Piccolo, 5 Boxes ng Pop, 5 piraso ng big rocket, 2 rims ng Triangle, 1 set bomber rocket, 2 length of 25 rounds of Judas belt at mahigit sa dalawang daang piraso ng kwitis.

Samantala sa report na nakuha ng DXVL FM, naging mapayapa at tahimik naman sa kabuuan ang pagdiriwang ng bagong taon sa bayan.

Wala naman umanong mga major incidents ang naitala sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon maliban na lamang sa isang naiulat na naputukan ng Piccolo ang daliri na nakilalang si Adrian Patalan, 19 at resident eng Mantawil St., Pobalcion, Kabacan at isang Arnold Tubigun na taga Poblacion, Carmen, North Cotabato na naputukan ng Whistle bomb sa ilong base sa report ng Kabacan Medical specialist alas 11:30 bago ang bagong taon.

Samantala, APAT NA MGA sugatan dahil sa mga paputok ang isinugod sa mga ospital sa Kidapawan City noong bisperas ng Bagong Taon.
Sa mga sugatan, tatlo rito mga bata.   Ang isa sa mga sugatan kinilalang si Ramon Simon, 55, ng Poblacion. Pawang sa mga kamay ang sugat na tinamo nila.
       
SAMANTALA, sa bayan ng Matalam, North Cotabato, isang 11-taong gulang na taga-Poblacion, ang isinugod sa Cotabato Provincial Hospital o CPH matapos masugatan dahil sa paputok. Kinilala ang bata sa initial lamang na A.A. na residente ng Poblacion, Matalam.

Ayon sa gwardiya ng CPH, sa kamay ang sugat ng bata matapos pumutok ang sinindihang pla-pla noong bisperas ng Bagong Taon.

Pero sa ngayon, ayon sa CPH, ay nasa recovery room na ang bata.

Maliban kay A.A., wala nang mga nasugatan dahil sa paputok ang isinugod sa pinakamalaking government-owned hospital sa lalawigan. Malaki ang pasasalamat ng taga-Department of Health sa naging positibong tugon ng mga mamamayan ng North Cotabato sa kanilang panawagan na iwasan ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.


3 patay sa magkahiwalay na vehicular accident sa Kabacan, 2 dito di na umabot ng bagong taon

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2011) --- Hindi na umabot ng bagong taon ang dalawa ka tao makaraang masangkot ang sinasakyan nilang motorsiklo sa banggan sa National Highway partikular sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 10:45 noong Huwebes.

Kinilala ni P02 Jeryl Vegafria ang traffic officer ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Abu Limpangan, 15, estudyante at residente ng Brgy. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao na ideneklarang dead on Arrival sa Hospital habang dead on the spot naman si Abubakar Dagem, 57 at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, napag-alaman na habang binabaybay ng isang multicolor na Suzuki Raider 150 at walang plate number na minamaneho ni Abu Limpangan ang kahabaan ng National Highway mula sa Montawal papunta sa rutang Kabacan kasama ang angkas nitong nakilalang si Kariguia Limpangan, 18, estudyante at residente rin ng Datu Montawal ng aksidenteng magbanggaan sa isang Bajaj Motorcycle kulay asul at may plate number 6805 MP mula din sa magkasalungat na direksoyon na minamaneho ni Abubakar Dagem na residente rin ng natukoy na lugar.
Mabilis namang isinugod ang mga sugatan sa Kabacan Medical Specialist subalit si Abu Limpangan ay ideneklarang dead on arrival.

Samantala, isa ring vehicular accident ang naganap sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon ala 1:00 ng madaling araw kahapon sa National Highway partikular na naganap ang insedente sa Corner Jacinto St., Poblacion ng bayang ito.

Kinilala ang biktima na binawian ng buhay sa Davao Medical Center na si Datumama Tacuken, 24, single at residente ng Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.

Sa report, nagkabanggaan umano ang sinasakyan nitong Kawasaki Barako kulay itim na may plate number 6826 MP sa isang Kawasaki HD III tricycle na minamaneho naman ni Ali Balasana, 19, at residente ng Sunrise St.,.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P02 Vegafria, napag-alaman na ang Kawasaki HD III tricycle ay binabaybay ang kahabaan ng National Highway mula sa USM Avenue papuntang brgy. Kayaga ng humarang diumano ang isang tao sa dinadaanan nito dahilan kung bakit lumihis ito ng direksiyon dahilan kung bakit nakabangga ito sa isang Kawasaki Barako.

Kritikal agad ang driver ng Kawasaki Barako na si Taculen na mabilis namang isinugod sa isang ospital ditto sa bayan ng Kabacan at sa di kalaunan ay isinugod sa Kidapawan ngunit nailipat pa ito sa Davao subalit, sa pinakahuling report ay binawian na ito ng buhay kahapon.

Sa data ng Kabacan Traffic Police mula December 28 ng nakaraang taon hanggang sa mga oras na ito abot na sa anim na vehicular ang accident ang naitala ng Kabacan PNP.

5 sugatan dahil sa paputok sa Kidapawan City at Matalam, N Cotabato

KIDAPAWAN CITY (January 2, 2011) -- APAT NA MGA sugatan dahil sa mga paputok ang isinugod sa mga ospital sa Kidapawan City noong bisperas ng Bagong Taon.

Sa mga sugatan, tatlo rito mga bata.   Ang isa sa mga sugatan kinilalang si Ramon Simon, 55, ng Poblacion.

Pawang sa mga kamay ang sugat na tinamo nila.

SAMANTALA, sa bayan ng Matalam, North Cotabato, isang 11-taong gulang na taga-Poblacion, ang isinugod sa Cotabato Provincial Hospital o CPH matapos masugatan dahil sa paputok.
       
Kinilala ang bata sa initial lamang na A.A. na residente ng Poblacion, Matalam.
       
Ayon sa gwardiya ng CPH, sa kamay ang sugat ng bata matapos pumutok ang sinindihang pla-pla noong bisperas ng Bagong Taon.

Pero sa ngayon, ayon sa CPH, ay nasa recovery room na ang bata.

Maliban kay A.A., wala nang mga nasugatan dahil sa paputok ang isinugod sa pinakamalaking government-owned hospital sa lalawigan.

Malaki ang pasasalamat ng taga-Department of Health sa naging positibong tugon ng mga mamamayan ng North Cotabato sa kanilang panawagan na iwasan ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa kabuuan wala namang may naitalang grabe sa bayan ng Kabacan dahil sa paputok maliban na lamang sa nasugatan sa daliri ang isang Adrian Patalan dahil sa Piccolo, habang isa namang taga Carmen, North Cotabato na nakilala sa panglang Arnold tubigun ang sugatan din ang ilong matapos masabugan ng Whistle bomb, ilang oras bago ang pagsalubong ng bagong taon

5 sugatan dahil sa paputok sa Kidapawan City at Matalam, N Cotabato

KIDAPAWAN CITY (January 2, 2011) -- APAT NA MGA sugatan dahil sa mga paputok ang isinugod sa mga ospital sa Kidapawan City noong bisperas ng Bagong Taon.

Sa mga sugatan, tatlo rito mga bata.   Ang isa sa mga sugatan kinilalang si Ramon Simon, 55, ng Poblacion.

Pawang sa mga kamay ang sugat na tinamo nila.

SAMANTALA, sa bayan ng Matalam, North Cotabato, isang 11-taong gulang na taga-Poblacion, ang isinugod sa Cotabato Provincial Hospital o CPH matapos masugatan dahil sa paputok.
       
Kinilala ang bata sa initial lamang na A.A. na residente ng Poblacion, Matalam.
       
Ayon sa gwardiya ng CPH, sa kamay ang sugat ng bata matapos pumutok ang sinindihang pla-pla noong bisperas ng Bagong Taon.

Pero sa ngayon, ayon sa CPH, ay nasa recovery room na ang bata.

Maliban kay A.A., wala nang mga nasugatan dahil sa paputok ang isinugod sa pinakamalaking government-owned hospital sa lalawigan.

Malaki ang pasasalamat ng taga-Department of Health sa naging positibong tugon ng mga mamamayan ng North Cotabato sa kanilang panawagan na iwasan ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa kabuuan wala namang may naitalang grabe sa bayan ng Kabacan dahil sa paputok maliban na lamang sa nasugatan sa daliri ang isang Adrian Patalan dahil sa Piccolo, habang isa namang taga Carmen, North Cotabato na nakilala sa panglang Arnold tubigun ang sugatan din ang ilong matapos masabugan ng Whistle bomb, ilang oras bago ang pagsalubong ng bagong taon