Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Serye ng mga insedente sa USM Transport, palaisipan

(Kabacan, North Cotabato) December 27, 2011 --- Nagresulta sa pagkasira ng fire at fuel tank ng Pajero na pag-aari na sasakyan ng USM makaraang pasabugan ang motorpool sa USM Transport na nasa USM compound alas 10:25 noong Lunes ng gabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP, gamit umano ng mga salarin sa pagpapasabog ang M79 batay sa mga ebedensiya at debris na narekober sa crime scene.

Sa likod umano ng motorpool galing ang putok na tumama sa sementadong sahig ng parkingan ng mga sasakyan ng USM.

Sa report, habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad, isa ring malakas na pagsabog ang narinig kagabi na kasinlakas din ng M79 ang pinaputok sa di malamang direksiyon.

Wala namang may naitalang casualties subalit nasira naman ang isang sasakyan ng USM.

Agad namang rumisponde ang mga elemento ng 7th IB, Philippine Army para magsagawa ng clearing operation sa mga suspetsado subalit bigo po silang mahuli ang mga salarin.

Kung matatandaan noong gabi ng December 5, nabaril din ang isang security guard ng USM na si Romeo Valenton habang nasa kanyang duty sa USM Transport Service.

Kung kaya’t palaisipan pa sa mga otoridad ang nasabing insedente habang patuloy naman ang malalimang imbestigasyon sa lugar.

Motorpool ng USM, pinasabugan kagabi

Nagresulta sa pagkasira ng fire at fuel tank ng Pajero na pag-aari na sasakyan ng USM makaraang pasabugan ang motorpool sa USM Transport na nasa USM compound alas 10:25 kagabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP, gamit umano ng mga salarin sa pagpapasabog ang M79 batay sa mga ebedensiya at debris na narekober sa crime scene.

Sa likod umano ng motorpool galing ang putok na tumama sa sementadong sahig ng motorpool na siya namang parkingan ng mga sasakyan ng USM.

Sa report, habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad, isa ring malakas na pagsabog ang narinig kagabi na kasinlakas din ng M79 ang pinaputok sa di malamang direksiyon.

Wala namang may naitalang casualties subalit nasira naman ang isang sasakyan ng USM.
Agad namang rumisponde ang mga elemento ng 7th IB, Philippine Army para magsagawa ng clearing operation sa mga suspetsado subalit bigo po silang mahuli ang mga salarin.

Pakistani National, ninakawan ng Motorsiklo

Hindi na umabot ng Pasko noong linggo ang bagong biniling motorsiklo ng isang Pakistani National na si Ali-Muazan Sha, 29, may asawa at residente ng Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato makaraang carnapin ng mga di pa nakilalang mga magnanakaw ang kanyang kulay itim na Honda XRM 125 motorcycle.

Ang nasabing motorsiklo ay nakaparada lang sa loob ng kanilang compound sa Purok Masagana ng tangayin ito ng mga salarin mga alas 3:00 ng madaling araw noong Sabado.

Isa araw pa lamang ang nasabing motorsiklo ng bilhin nito noong Biyernes lamang.

Batay sa report, nilason pa umano ng mga magnanakaw ang aso na kulay itim na nasa bahay nila.

Teorya ng mga otoridad na iisang grupo lang ang gumagawa dahil pare-pareho ang modus nila sa mga nagaganap din na mga nakawan sa erya ng Abellera at Villanueva Subdivision.

Ito na ang pang-apat na kaso ng nakawan ngayong buwang ito.


Primary suspect sa pambobomba ng bayan ng Makilala noong 2006 arestado

ARESTADO ng mga operatiba ng Mindanao Area Police Intelligence Office (MAPIO) mula sa Davao City ang umano mataas na opisyal ng Jemaah Islamiah na sinasabing nanguna sa serye ng pambobomba sa Central Mindanao.

Kinilala sa report ang inaresto na si Commander Kule Mamagong na may alias na Molis Tahsin. Si Mamagong, batay sa report ng MAPIO, ay hinuli noong December 16 sa Sitio Bato Pari sa Barangay Tanding Ahas sa Lamitan City sa lalawigan ng Basilan.

Nahaharap ito sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder matapos ituro na primary suspect sa pambobomba noong October 2006 sa bayan ng Makilala na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao at pagkakasugat ng mahigit 30 iba pa.

Kamakalwa ng hapon, ipinirisinta ng MAPIO sa Regional Trial Court branch 17 sa Kidapawan City si Mamagong. Dala-dala nila ang kopya ng warrant of arrest na inisyu noong October 2006 ni dating RTC branch 17 Judge Francis Palmones.

Agad na inilipat ang akusado sa sa North Cotabato Provincial Jail sa Amas Complex, Kidapawan City, halos 10 kilometro ang layo mula sa sentro ng lungsod.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakahuli ng Kule Mamagong ang mga pulis.

Ilang buwan makalipas ang October 2006 bombing ay nahuli ang isang estudyante ng isang unibersidad sa North Cotabato na napagkamalan nilang Kule Mamagong.

Noong July 2009, isa na namang Kule Mamagong ang nahuli ng mga pulis na pinakawalan din nila pagkatapos makumpirma na hindi ito ang kanilang hinahanap.   

Mahigit 2,800 na mahihirap na pamilya mula sa 40 barangay sa Kidapawan City benepisyaryo ng 4Ps

(Kidapawan City/December 26, 2011)  --- ABOT sa 2,892 na mahihirap na pamilya sa Kidapawan City ang magiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
       
Ang mga benepisyaryo ay mula sa 40 mga barangay ng lungsod.
       
Ayon sa data ng City Social Welfare and Development Office, sa  bilang na ito, abot sa 1,861 ang naka-rehistro, samantalang ang 1,031 ay ibinatay sa ginawang survey at registration nila noong mga nakaraang araw.
        
Sa mga barangay, ang pinakamaraming 4Ps beneficiary ay ang Sudapin na may 148 na pamilya; Amas na may 125 pamilya; Patadon na may 124; at Ilomavis na may 122. 

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga lumad, batay sa data ng 
CSWDO.

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay tatanggap ng cash na ‘di bababa sa P1,200 kada buwan.

Sa pamamagitan nito, maipapasok na sa mga eskwelahan ang mga anak ng mahihirap na pamilya dahil may pambili na sila ng gamit sa 
paaralan at pambayad sa tuition at mga miscellaneous.

Ayon sa CSWDO, titiyakin nila na magagamit nang maayos at tama 
ng mga benepisyaryo ang programa.

Ang 4Ps ay bahagi ng conditional cash transfer na sinimulan noon pang panahon ng Arroyo administration.

Philippine Science Central Mindanao, ilalagay sa Kidapawan city

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato) December 26, 2011 --- Aprubado na sa komite ng kongreso ang paglalagay ng Philippine Science Central Mindanao sa Kidapawan City, ito ang magandang ibinalita ni Cotabato 2nd district congresswoman Nancy Catamco sa isang punong pambalitaan na ginanap sa Lady M, Kidapawan city kamakala.

Ang nasabing panukala ay pangunahing iniakda ng lady solon.

Titulo na lamang umano ng land erya ang hinihingi sa taas para masimulan na ang paglalagay nito.

Inihayag naman ng mambabatas na sinimulan ng dinggin sa kongreso ang pagbubuo ng ikatlong distrito sa North Cotabato pero ng tanungin ng mga media kungsaan siya tatakbo sa susunod na halalan bagama’t kwalipikado na ang 3rd district ng probinsiya, mas malapit pa rin anya umano sa puso nito ang mga bayan na buuin sa 3rd district.

Samantala, ibinalita naman ng opisyal ang palilipat nito sa Liberal Party na siyang magiging manok ng administrasyon para sa susunod na halalan.

Kung matatandaan si Catamco ay dating taga-Lakas Kampi CMD.
Ipinagmamalaki din nito na siya’y isang IP na kabilang sa tribung Manobo.

(update) Isang 48-anyos na magsasaka pinagbabaril sa Kabacan, Cotabato; patay

(Kabacan, North Cotabato) December 26, 2011 --- Sa ulo ang tama ng isang 48-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga riding in tandem na mga suspek sa Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:25 ng umaga noong Sabado.

Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Blah Amilol na residente ng Purok Makabinban, Cuyapon, Kabacan na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng karampatang lunas.

Pero ayon kay P/Supt Joseph Semillano, hindi na umabot ng pasko si Amilol ng tuluyan na itong binawian ng buhay.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay sa motorsiklo matapos maisakatuparan ang pamamaril gamit ang .45 na pistol base empty shell na narekober sa crime scene.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation.

Posible umanong away sa lupa ang motibo ng pamamaril, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad.
(Rhoderick Beñez)

Pulitika nakikitang dahilan ng pagpapasabog ng IED sa Kabacan; sugatan umakyat na sa 6

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato) December 26, 2011 ---  Political in nature ang nakikitang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device o IED sa bayan ng Kabacan mag-aalas 7:00 ng gabi noong Biyernes  na gawa sa isang 81mm makaraang may kahalintulad na insedente ito sa Cotabato city.

Bagama’t tumangging ihayag ni P/Supt. Joseph Semillano kung sinu at anung grupo ang nasa likod nito may lead na silang sinusundan sa nasabing insedente.

Sa report, umakyat na sa anim ang sugatan habang nasa kritikal na kondisyon si Renato Mendoza, 39, may asawa at residente ng Purok Sto. Nino, Bonifacio St., ng bayang ito na nasa Davao Medical Center sa Davao city makaraang bumaon kasi sa katawan ni Mendoza ang fuse 81mm.

Kinilala ang iba pang mga sugatan na sina; Elsa Araiz, 42, may asawa at residente ng Ma. Clara St., Poblacion, Kabacan; Russel Bigwas, 18, single, USM Student at residente ng Purok Masagana, Poblacion, Kabacan;  Jovelyn Ligo Haro, 19, single at pansamantalang na ninirahan sa Bonifacio St., Poblacion, Kabacan at Darwin Galas, 40, may asawa at residente ng Poblacion ng nabanggit na bayan.

Kung matatandaan, noong Nobyembre, limang mga bomba ang itinanim sa bayan isa rito sumabog; ang dalawa na-defuse ng mga bomb experts; at ang natira, sadyang ‘di pinasabog.
Samantala isang IED pa ang natagpuan dakong alas-7:40 kamakalawa ng gabi sa Gov. Gutierez Ave., Brgy. Rosary Hieghts 9, Cotabato City.
Ang nasabing pampasabog ay gawa rin sa 81mm mortar na sinasabing kagagawan umano ng Bangsamoro Independence Movement, batay naman sa ulat ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. Sa teorya ng mga awtoridad, ang nasabing grupo ay tutol sa pag-upo ng mga caretaker sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na siyang isa sa sinisilip na motibo ng pagpapasabog.
Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng Kabacan PNP na matiwasay at tahimik sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.
Ang bayan ng Kabacan, isa sa mga progresibo at umuunlad na bayan sa North Cotabato, dito rin makikita ang University of Southern Mindanao, isa sa malaking state run University sa bahaging ito ng Mindanao na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.