(Kabacan,
North Cotabato/ January 23, 2015) ---Suspendido muna ang mga pagsusulit sa
University of Southern Mindanao Kabacan ngayong linggo dahil sa pag- apaw ng
Kabacan River na nagresulta sa pagbaha sa ibang bahagi ng unibersidad
partikular na sa College of Health and Sciences, College of Arts and Sciences,
CAS annex, USM Hospital, at ang pinakaapektadong bahagi ay ang Plang Village.
NEWS UPDATES
▼
1 patay sa pagragasa ng baha sa Kabacan; USM Main Campus, pinasok din ng baha
Pagtututok sa Peace and Order ng Kabacan, patuloy na isinusulong ng Alkalde
(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)
---Isa ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Bayan ng Kabacan sa mga tinututukan
ng kasalukuyang administrasyon.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Mayor Herlo
Guzman Jr., kungsaan ipinagmalaki nitong malaking porsiento ng kriminalidad ang
napababa sa kanyang administrasyon.
DA Kabacan hinikayat ang mga magsasaka sa Flood and Drought Areas na mag-apply ng Crop Insurance sa PCIC
(Kabacan,
North cotabato/ January 22, 2015) ---Hinikayat ng Local Government Unit
Department of Agriculture Kabacan ang mga magsasaka sa Flood and Drought Prone
Areas na mag-apply ng Crop Insurance sa Philippine Crop Insurance Corporation o
PCIC, ito ay ayon kay Agriculture Report Officer Tessie M. Nidoy.
Dagdag
pa niya ang Crop Insurance ay nasa ilalim ng programang WARA o Weather Adverse
Rice Areas ng Department of Agriculture at ang ikinaganda umano ng programang
ito ay, ito ay libre at walang anumang babayaran ni kusing ang mga magsasaka at
ang gagawin lamang nila ay magfill-up ng form.
PESO Kabacan nagsagawa ng re-orientation sa mga aplikante ng Pangkabuhayan Livelihood Program ng DOLE 12
(Kabacan,
North Cotabato/ January 22, 2015) ---Nagsagawa ng re-orientation ang Public
Employment Services Office (PESO) sa mga aplikante ng Pangkabuhayan Livelihood
program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kabacan Gymnasium,
kahapon ng umaga.
Ito
ay ayon sa panayam ng DXVL news kay PESO Manager, Administrative Aid III,
George S. Graza upang mapaalam sa mga aplikante ang hinggil sa bagong
requirement na dapat i-submit ng mga ito sa DOLE.
Inabandonang motorsiklo, inakalang may IED
(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)
---Negatibo sa anumang pampasabog ang isang motorsiklo na inabandona sa bahagi
ng Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kahapon.
Sa panayam ng DXVL News kay PCI Ernor
Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP iniwan ng di pa nakilalang lalaki ang kayang
motorsiklo malapit sa outpost ng pulisya ng di nagpaalam ng sumakay ito ng Van
papuntang Kidapawan City.
Fire Code Revenue Awareness Month ng BFP Kabacan, patuloy pa rin
(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)---Kasalukuyang nagpapatuloy ang Fire Code Revenue Awareness Month ng Bureau of Fire and Protection o BFP ng Kabacan ayon sa panayam ng DXVL kay BFP Kabacan Assessor FO2 Brahim Guiamalon.
Ayon sa kanya, nakapaloob sa buong buwan ng Enero ang One Stop Shop ng LGU- Kabacan at isa ang kanilang tanggapan sa mga signatories sa pagkuha ng business permit na kung saan kasama sa mga babayaran ng mga kliyente ang Fire Code Fees.
Misis, utas sa Truck
(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)
---Dead on arrival sa ospital ang isang 36-anyos na Ginang makaraang
maaksidente sa Roxas St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:20 kagabi.
Kinilala ni P/Insp. Maxim Peralta ng Kabacan
PNP ang biktima na si Wennie Esmilla Cabigonda, 36 anyos, may asawa at
residente ng Katidtuan, Kabacan, Cotabato.
Ekonomiya sa bayan ng Kabacan hindi na apektuhan sa kabila ng mga insidente sa bayan ---Mayor Guzman
(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015)
---Iginiit ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na hindi na apektuhan ang
ekonomiya ng bayan ng Kabacan sa kabila ng pagpapasabog ng improvised explosive
device o IED.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News habang
ito ay nag-iikot a mga pangunahing kalye ng bayan at sa merkado publiko ng
bayan kungsaan nangyari ang pagsabog ng ied nitong nakaraang gabi.
Bayan ng Kabacan HIV/ AIDS Free ---RHU Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015)
---Walang naitalang kaso ng Human Immuno-deficiency Virus/Acquired Immune
Deficiency Syndrome o HIV/AIDS ang bayan ng Kabacan.
Ito ay ayon kay HIV Coordinator Ruth Passion
ng Rural Health Unit ng Kabacan.
Sa panayam ng DXVL news ipinaliwanag ni
Passion kung paano nakakahawa o nakukuha ang sakit na HIV/AIDS.
Dalapitan National High School, wagi sa Halad Festival 2015 open category
(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Naging
matagumpay ang taunang Halad Festival sa Midsayap, Cotabato na nagtapos nito
lamang linggo na may temang: “Mapasalamatong Pagpahinumdom, Pagpuyo nga
Kristohanon, Malaumong Pagpanaw Duyog ni Seňor Sto. Niňo.”
Kaugnay nito, gabi ng Huwebes ay nagtagisan
ang pitong dilag sa kanilang isinagawang Mutya ng Halad Festival at itinanghal
si Shanda Mae Bediot bilang Mutya ng Halad Festival 2015.
2 tiklo sa droga
(Kidapawan City/ January 21, 2015) ---Kulungan
ang bagsak ng dalawang kalalakihan matapos na mahulihan ng illegal na droga sa checkpoint
ng Barangay Balindog, Kidapawan City pasado alas siyete kagabi.
Sakay ng motorsiklong walang plate number
ang dalawang suspek na sina sina Vincent Dancel, 19 anyos at Josema Limit
pawang mga residente ng Purok Talisay, San Jose, Digos City at ng kapkapan ang
mga ito ay nakuha sa bulsa ni Limit ang dalawang may kalakihang sachet ng
pinaniniwalaang shabu.
COMELEC Kabacan naghahanda para sa SK election 2015
(Kabacan,
North Cotabato/ January 21, 2015) ---Puspusan ngayon ang paghahanda ng COMELEC
Kabacan sa darating na SK election ngayong Febuary 21, 2015.
Ito ay
ayon sa panayam ng DXVL kay Kabacan Election Officer III Ramon Mario D.
Jaranilla.
39 katao, nagpositibo sa sakit na STI sa Kabacan
(Kabacan,
North Cotabato/ January 20, 2015) ---Abot sa 39 katao ang nagpositibo sa sakit
na Sexually Transmitted Infection o STI sa bayan ng Kabacan noong nakaraang
taon.
Ito ayon
kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.
Sinabi
ni Cabellon na karamihan sa mga sakit na ito ay Syphilis kungsaan saan ay datos
ay buhat mula sa iba’t-ibang mga ospital sa bayan ng Kabacan.
Sultan Kudarat, inuga ng lindol
(Sultan Kudarat/ January 21, 2015)
---Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Lalawigan ng Sultan Kudarat alas 4:33
ng madaling araw kanina.
Sa ulat ng Phivolcs, naramdaman sa buong
bahagi ng kanlurang Mindanao ang nasabing pagyanig.
Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong
70 km timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat.
11 katao nalason sa kinaing pansit at tuyo
(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Aabot
sa labing-isang magsasaka ang nalason matapos mag-almusal ng pansit at tuyo sa
gitna ng palayan sa Barangay Tubon, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato
kamakalawa.
Kasalukuyang ginagamot sa Amado Diaz
Foundation Hospital ang mga biktimang sina Vincent John Bingil,18; Ruel Cueno,
28; Rolando Cedeňo, 46; Rolly Cabańog, 43; Bryan Libusada, 28; Jason Arco,16;
Peter John Cadungog, 20; Francis Bingil,47; Joseph Bingil, 36; Christopher
Corro, 21; at si Jerald Egoc na mga residente sa Barangay Central Katingawan sa
bayan ng Midsayap, North Cotabato.
IED, narekober sa National Highway sa NCot
(North Cotabato/ January 20, 2015) ---Isang malakas na
uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang natagpuan sa gilid ng national
highway sa Barangay South Manuangan Pigcawayan North Cotabato dakong alas 6:45
ng umaga kanina.
Sa panayam ng DXVL News kay PSI Donald Cabigas, hepe ng
Pigkawayan PNP na nakita ng mga sibilyan ang isang kulay itim na bag na iniwan
sa gilid ng kalsada sa Brgy South Manuangan 200 metro ang layo mula sa outpost
ng PNP-12 Regional Public Safety Battalion.
1 utas, 3 sugatan sa karahasan
(North Cotabato/ January 20, 2015) ---Napatay
ang 29-anyos na lalaki matapos barilin ng di- kilalang gunman sa bisinidad ng
spring site sa Barangay Bagua Tres Cotabato City, Maguindanao kamakalawa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaupo lamang ang biktimang si Gilbert
Samuigid Torquido nang bigla na lamang itong lapitan at barilin sa ulo ng gunman.
Sekyu tinodas ng tandem

Kinilala ni P/Senior Insp. Reynaldo Delantin
ang biktima na si Reynold Datulayta Cantila ng San Vicente Street sa Barangay
Bagua 3 sa nasabing lungsod.
Lalaki, huli sa inihaing Warrant of Arrest ng Midsayap PNP kaugnay sa illegal na droga
(Midsayap, North Cotabato/ January 20, 2015)
---Kalaboso ang isang lalaki matapos maaresto dahil sa illegal na droga sa
Poblacion 7, Midsayap North Cotabato alas 4:00 ng madaling araw kahapon.
Ayon kay Supt. Reinante Delos Santos, hepe
ng Midsayap PNP na kanilang ni-raid ang tatlong bahay sa Poblacion subalit
pagdating ng pulisya kasama ang Special Action Forces-Midsayap ay wala na duon
ang mag asawang sina Queni Indayla at Ameryl Invon at isang alyas Marco lamang
ang nanduon sa lugar.
Mga karapatan ng mga kasambahay tiniyak ng DOLE 12
(Kabacan, North cotabato/ January 20, 2015) ---Tiniyak ng Department
of Labor and Employment o DOLE 12 na matatamasa ng mga kasambahay ang kanilang
mga karapatan alinsunod sa ipinatupad na Kasambahay Law.
Ang Batas Kasambahay o Kasambahay Law, RA 10361 ay naipatupad
noong Hunyo 4 taong 2013.
BREAKING NEWS: Kabacan Public Market, binulabog ng pagsabog
(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015)
---Isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa Public Market ng
Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 6:00 ngayong gabi lamang.
Sa panayam ng DXVL News kay Kapitan Mike
Remulta na isang market guard ang nakakita sa nasabing isang kahina-hinalang
sako ng bigas kaya mabilis nitong inireport sa kapulisan.
Hummer vs. Bike; 1 dedo!
![]() |
Courtesy: FB of Graceshine |
(North
Cotabato/ January 19, 2015) ---Patay ang isang 21-anyos na lalaki makaraang
makabangga ang sinasakyang motorsiklo nito sa isang Hummer Jeep sa nangyaring
aksidente sa highway ng Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur kamakalawa.
Kinilala
ang biktima na si Ariz Gotoman Obedencia na isang field agronomist na taga
Salunayan, Midsayap, North Cotabato.
DOLE XII, hinikaya’t ang mga employer na ipalista ang kanilang mga kasambahay kasabay ng “Araw ng Kasambahay”
(North cotabato/ January 19, 2015) ---Hinikaya’t
ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE XII ang mga kasambahay na
magpalista na sa kanilang tanggapan.
Sa panayam ng DXVL News kay Technical Support Services
Division Head ng DOLE 12 Ruby Carrasco upang kanila umanong makita kung ilan na
ang kasambahay sa rehiyon.
22-anyos na lalaki, arestado sa pagdadala ng illegal na droga
(Kabacan,
North Cotabato/ January 19, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na
lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan, Cotabato alas
1:30 ng medaling araw nitong Sabado.
Kinilala ni
PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Allan Guiamblang, 22
taong gulang, residente ng Kilada, Matalam, Cotabato.
Magsasaka, tumba sa droga!

Kinilala
ang biktima na si Kaharodin Kusain Lumambas, 23-anyos, magsasaka na taga Purok
Krislam, Matalam, North Cotabato.
Batay
sa inisyal na ulat ng pulisya, sapilitang isinakay umano ang biktima sa isang
motorsiklo at dinala sa bahagi ng Brgy New
Beteranong mamamahayag at dating Spokesperson ni Gov. Lala, pumanaw na
(North
Cotabato/ January 19, 2015) ---Tuluyan ng iginupo ng kanyang kumplikadong
karamdaman si Gaudencio Romeo Plaza Manangkil o mas kilala sa tawag na “Boy
Managquil” matapos na sumakabilang buhay na ito sa Cotabato Provincial Hospital
alas 4:00 ng hapon noong Biyernes.
Ito
ang kinumpirma sa DXVL News ni Executive Secretary to the Governor Jessie Ined.
Tower ng NGCP, muling pinasabugan!
(North
cotabato/ January 18, 2015) ---Muling pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga
salarin ang main line post ng National Grid Corporation of the Philippines o
NGCP sa bahagi ng Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 8:30 ngayong gabi
lamang.
Sa
Police report, wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing
pagsabog pero nag dulot ito ng takot sa mga residente doon.
Ang pinangyarihan
ng insidente ay di lamang kalayuan sa Batulawan Elementary School.