NEWS UPDATES

COMELEC Kabacan naghahanda para sa SK election 2015

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Puspusan ngayon ang paghahanda ng COMELEC Kabacan sa darating na SK election ngayong Febuary 21, 2015.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay Kabacan Election Officer III Ramon Mario D. Jaranilla.


Ayon dito magsisimula ang election period ngayong January 22 na magtatapos sa March 2, 2015. Sa filing of SK candidacy naman na mag sisimula sa February 7, 9, at 10 ng taong kasalukuyan.

Pinaghahandan din ng COMELEC ang bantang pagpapakansela ng kongreso sa SK election.

 Sa ngayon naghihintay ang COMELEC sa resulta ng kongreso habang inaasekaso parin ang papalapit na Sk election. Vanessa Jane Reyes


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento