NEWS UPDATES

39 katao, nagpositibo sa sakit na STI sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2015) ---Abot sa 39 katao ang nagpositibo sa sakit na Sexually Transmitted Infection o STI sa bayan ng Kabacan noong nakaraang taon.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Sinabi ni Cabellon na karamihan sa mga sakit na ito ay Syphilis kungsaan saan ay datos ay buhat mula sa iba’t-ibang mga ospital sa bayan ng Kabacan.


Kaugnay nito patuloy naman ang ginagawang Information Education Campaign ng RHU Kabacan upang maiwasan ang nasabing sakit, ito ayon kay HIV Coordinator Ruth Passion.

Napag-alaman na ang sakit na Syphilis ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

Nalilipat ang sipilis sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroon ng sakit na ito.

Maaari ring makahawa ang taong may karamdaman dahil sa pagsasalin ng dugong kontaminado na ng bakterya, at maging sa paghihiraman lamang ng mga heringgilyang madudumi.


hinikayat ni Pasion ang mga mamamayan na boluntaryong magtungo sa Health Center upang macheck-up ang mga may sakit at ma inform sila tungkol sa nasabing sakit. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento