NEWS UPDATES

Ekonomiya sa bayan ng Kabacan hindi na apektuhan sa kabila ng mga insidente sa bayan ---Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Iginiit ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na hindi na apektuhan ang ekonomiya ng bayan ng Kabacan sa kabila ng pagpapasabog ng improvised explosive device o IED.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News habang ito ay nag-iikot a mga pangunahing kalye ng bayan at sa merkado publiko ng bayan kungsaan nangyari ang pagsabog ng ied nitong nakaraang gabi.


Aniya, business as usaual pa rin sa bayan ng Kabacan at may kumpyansa pa rin ang mga mamamayan at hindi naman naapektuhan ang kalakaran ng negosyo sa bayan.


Dagdag pa ni Guzman na magbibigay ng pabuya sa sinomang makapagtuturo ng naglagay ng IED ayon sa napag usapan sa ginawang pagpupulong kahapon kasama si Gov. Lala TaliƱo Mendoza at LGU Kabacan. Rhoderick Benez and Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento