NEWS UPDATES

Magsasaka, tumba sa droga!

(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Pinaniniwalaang dahil sa illegal na droga kaya pinaslang hanggang sa mapatay ang isang magsasaka sa Barangay New Cebu, Pres. Roxas, North Cotabato Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Kaharodin Kusain Lumambas, 23-anyos, magsasaka na taga Purok Krislam, Matalam, North Cotabato.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, sapilitang isinakay umano ang biktima sa isang motorsiklo at dinala sa bahagi ng Brgy New
Cebu, Pres. Roxas at pagdating sa damuhang bahagi ng lugar ay sapiliting pinababa ng suspek ang biktima at pinagbabaril.

Apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Lumambas.


Nang makitang bulagta na ang biktima, mabilis namang tumakas ang mga suspek. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento