NEWS UPDATES

Dalapitan National High School, wagi sa Halad Festival 2015 open category

(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Naging matagumpay ang taunang Halad Festival sa Midsayap, Cotabato na nagtapos nito lamang linggo na may temang: “Mapasalamatong Pagpahinumdom, Pagpuyo nga Kristohanon, Malaumong Pagpanaw Duyog ni Seňor Sto. Niňo.”

Kaugnay nito, gabi ng Huwebes ay nagtagisan ang pitong dilag sa kanilang isinagawang Mutya ng Halad Festival at itinanghal si Shanda Mae Bediot bilang Mutya ng Halad Festival 2015.

Maliban sa nasabing pageant tampok rin ang ibat ibang mga aktibidad kagaya ng Nightly Cultural Presentation, Motocross, Agro-trade Display, Novena Masses, Fashion to Fame, at konsyerto na tampok ang mga celebrity guests and performers.

Base sa resulta na nakuha ng DXVL team na ibinigay ng Street Dancing Committee naiuwi ng San Isidro District ang kampeonato sa Local Category na may gantimpalang P50,000 sa isinagawang Indakan sa Kadalanan o Street Dancing na isa sa mga Highlight ng kapiestahan.

Naging 1st placer naman ang St. Jude College of Science and Technology, 2nd placer Midsayap Delangalen National High School at 3rd placer naman ang St. Mary’s Academy.

Samantala sa Open Category naman, nasungkit ng Dalapitan National High School ng Matalam na may premyong P150,000.00.

Sa kabuuan naging matiwasay ang nasabing kapiestahan. USM Devcom Intern Rizalyn Launio


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento