Bukod aniya sa matulungan ang mga magsasaka isa
ito sa mga nakikita nitong solusyon upang di na kailangan pang umangkat ng
bigas ang bansa, matapos na masangkot ang ahensiya sa rice smuggling.
NEWS UPDATES
▼
Pagpapababa ng Production cost sa Palay, target ng DA para malabanan ang Rice Smuggling
(South Cotabato/ January 20, 2014) ---Iginiit
ni Department of Agriculture Proceso Alcala na bago matapos ang kanyang termino
ay balak nitong pababain ang produksiyon cost ng palay.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa punong
pambalitaan ng mga kagawad ng media na isinagawa sa The Farm, Carpenter Hill,
Koronadal city sa kanyang pagbisita sa South cotabato nitong Biyernes.
Patong-patong na kaso, isasampa ng Alamada PNP sa pumaslang sa habal-habal drayber
(Alamada, North Cotabato/
January 20, 2014) ---Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek na si
Crisler Hernandez Anover alias Mokring ng Alamada North Cotabato matapos siyang
ituro na responsable sa pagpapatay kay Cecilia Samaniego ng barangay Mirasol,
Alamada noong November 28 ng nakaraang taon.
Matatandaang nahuli ang suspek
matapos ang pamamaslang sa isang habal habal driver na si Jefrey Penesa
Cervantes at ninakawan pa ng motorsiklo noong Enero a-14 ng kasalukuyang taon.
Regional Contingency Plan, Pinapaigting ng RDRRMC 12
(Koronadal City/ Janaury 20, 2014) ---Pinaplantsa
na ng Office of the Civil Defense Regional Office 12 ang Regional Contingency
Plan ng Rehiyon upang mapaghandaan ang mga di inaasahang kalamidad na tatama sa
Rehiyon.
Ito ang sinabi ni OCD 12 Regional Director
Jerome Barranco sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon kasabay ng pagbabantay
nila sa lagay ng panahon sa Region 12.
Pambato ng Region 12 sa National cooking contest, sinasanay na ng CHEFS-USM
(USM, Kabacan, Cotabato/ January 20, 2014)
---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng kalahok mula sa rehiyon 12 para sa
Pambansang patimpalak sa pagluluto buhat
sa College Of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS.
Ayon kay International Hospitality Travel
and Tourism Management Department Chairperson Cheryl Dulay sinasanay ngayon si
Jonas Sabangon 2nd year HRM student sa tulong ng kanyang Coach na si
Professor Avegail Roy para paghandaan ang paglahok sa National Cooking
Competition.
2 kaso ng nakaw-motorsiklo, naitala sa magkahiwalay na lugar ng North Cotabato
(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2014)
---Isang 40-anyos na lalaki ang panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa bayan
ng Kabacan kamakalawa ng umaga.
Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang
biktima na si Pido Bautista residente ng Dalapitan, Matalam, North Cotabato.
Handy Craft Center sa Kabacan, binuksan na!
(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2014)
---Para mapakinabangan ang dumadaming Water Hyacinth na nasa Barangay Cuyapon
dito sa bayan ng Kabacan binuksan ng Pamahalaang Lokal ang Handy Craft Center.
Ayon kay Agricultural Technologist Lorna
Mapanao layon nito na mabigyan din ng trabaho ang ilang mga kababayan sa
pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang mga gamit buhat sa mga pinatuyong water
hyacinth.
Halad Festival 2014 sa Midsayap, North Cotabato; dinagsa ng maraming manonood
(Midsayap, North Cotabato/ January 20, 2014)
---Dinadagsa ang pagdiriwang ng Halad
Festival Sa Midsayap North Cotabato.
Ayon kay Halad Festival 2014 Over-all
Chairman Rolly Sacdalan masaya at matiwasay naman sa kabuuan ang nasabing
kapistahan at wala namang mga naiulat na mga di inasahang insidente mula noong unang
araw ng pagsisimula nito.
7 buwang sanggol nasa maayos ng kalagayan, matapos na ipalaglag ng Ina
(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2014)
---Nasa maayos ng kalagayan ang “Miracle baby” matapos na iluwal ito ng kanyang
ina alas 5:00 ng madaling araw kahapon.
Ito ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne
Saliling matapos na mabilis na isinugod ito ng ilang mga staff ni Mayor Herlo
Guzman sa Kidapawan Medical Specialist kahapon ng hapon.
Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao abot-kamay na – ayon kay Bangsamoro Transition Commission Chair Mohagher Iqbal
Written By: Jimmy Santacruz
Dumating na ang takdang panahon
ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni Bangsamoro Transition Commission (BTC) at Moro islamic
Liberation Front (MILF) Chief Peace Negotiator Mohagher Iqbal sa ginawa niyang
courtesy call sa tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza noong Biyernes, Jan.17.
Kasama ni Iqbal ang 14 na mga
miyembro ng BTC sa pagbisita sa provincial governor’s office kung saan nagbigay
ng kanyang mensahe ng kapayapaan si Iqbal para sa mamamayan ng Cotabato.
3 patay sa Shootout sa Cotabato City
(Cotabato City/ January 16, 2014) ---Patay
ang tatlong mga lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa
National Highway- Tamontaka Uno, Cotabato city dakong alas 8:00 ng umaga
kanina.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya
sakay ang mga biktima sa dalawang magkahiwalay na motorsiklo at pagdating sa
nasabing lugar ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng limang di pa
nakikilalang suspek.
38-anyos na Ginang, arestado sa pagpupuslit ng illegal na droga sa loob ng kulungan
(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2014)
---Arestado ang isang 38-anyos na ginang matapos ang tangkang pagpupuslit nito
ng illegal drugs sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa
Amas, Kidapawan city kahapon.
Kinilala ang suspek na si Sumbra Akmad Uray,
38, magsasaka at residente ng Barangay Kitulaan, Carmen, North Cotabato.
Panibagong Ordinansa sa mga tricycle at trisicab sa Kabacan, inalmahan ng mga draybers at operators
(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014)
---Umalma ang ilang mga motorista sa Kabacan hinggil sa panibagong ipinapatupad
na ordinansa hinggil sa color coding.
Ito ang reaksiyon ng ilang mga motorista na
nakapanayam ng DXVL News.
Tangkang pagpapakamatay ng isang Inmate sa Kabacan Lock-up cell, napigilan
(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014)
---Napigilan ang pagpapakamatay ng isang preso sa Kabacan Lock up cell kahapon.
Ayon sa report ng Kabacan PNP gitlin sana ng
isang Renate Tampos ang buhay nito makaraang wala na itong nakikitang pag-asa.
Konsultasyon kaugnay sa Bangsamoro Basic Law idinaos sa Midsayap, North Cotabato
Written
by: Roderick Bautista
(Midsayap,
North Cotabato/ January 16, 2014) ---Higit dalawandaang katao mula sa iba’t-
ibang sektor ang dumalo sa Bangsamoro Basic Law Consultation ngayong araw na
ginanap sa Audio Visual Center ng Southern Christian College, Midsayap, North
Cotabato.
Sa
kanyang mensahe ay inihayag ni Mindanao Peoples Caucus Secretary General Mary
Ann Arnado na mahalagang makonsulta ang mga mamamayan tungkol sa magging laman
ng Bangsamoro Basic Law na ginagawa na ngayon ng Bangsamoro Transition
Commission o BTC.
USM-STAND, tinututukan ang pagpili ng bagong Presidente sa USM
(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Tinututukan ng
mga estudyante ng University of Southern Mindanao o USM ang pagpili ng bagong
presidente ng unibersidad.
Ito ang ipinahayag ni Alliance for Nationalism and Democracy o
STAND-USM spokesperson Reymon Reyes makaraan ang presentasyon ng anim na
kandidato sa pagka-Presidente.
Bangkay ng Lalaki nakitang palutang-lutang sa Paidu-Pulangi river sa Pikit, North Cotabato; misis naman sa Kabacan, nanawagan hinggil sa mister na Missing
(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014)
---Isang bangkay ng lalaki ang nakita na palutang-lutang sa may ilog ng
Paidu-Pulangi sa Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Mautin
Pangandigan, ang OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang bangkay ay nasa edad
18-25.
Proyekto ng municipal Engineering Office ng Matalam, kasado na sa unang Quarter ngayong taon
(Matalam,
North Cotabato/ January 16, 2014) ---Aabot sa mahigt 14.5 milyong peso ang
inilaang pondo ng Municipal Engineering Office ng LGU Matalam, North Cotabato,
ngayong first quarter ng taon sa pagpapagawa ng mga kalsada ng nasabing bayan.
Isa
na rito ang purok 6 Bugwa Road, Rehabilitasyon ng Yang Mina St., Poblacion
Municipal St., Taguranao at iba pa.
Color Coding ng mga Motorista sa Matalam North Cotabato, Ipapaptupad na rin
(Matalam,
North Cotabato/ January 16, 2014) ---Sa ngayon ay may halos – 300 motorista na
ang nakapag – renew ng kanilang mga prangkisa at pagpipintura ng kulay green sa
kanilang mga pampasaherong motorsiklo, ayon sa color coding ng Matalam North
Cotabato.
Ayon
kay Sangguniang Bayan Secretary Jessica Parreñas na patuloy parin silang
tumatanggap ng mga magpaparenew at pagpipintura
sa kanilang mga motorsiklo.
Libu-libong halaga ng pera, nilimas sa isang simbahan sa North Cotabato
(Matalam,
North Cotabato/ January 15, 2014) ---Abot sa P30,000 ang natangay ng mga di pa
nakilalang salarin matapos na nilooban ng mga ito ang Kingdom Hall ng Jehovas
Witnessess sa Matalam, North Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kanina.
Ayon
sa report ng Matalam PNP, nalimas ng mga suspek ang isang
amplifier, 2 meter cords ng kanilang sound system, 4 na microphone, 2 piraso ng
25 meters cords, 1 piraso ng 15 meter cord, 1 CD player at 3 bulbs.
Habal-habal drayber, natagpuang patay sa Alamada, North Cotabato
(Alamada, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Kalunos-lunos ang sinapit ng habal-habal drayber mula sa kamay ng di pa nakilalang suspek matapos paslangin at agawan ng motorsiklo sa Barangay Kamansi, Alamada, North Cotabato pasado alas 8:00 ng umaga.
Kinilala ni Police Insp. Joeffrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Jeffrey Penesa, residente din ng nasabing lugar
Kinilala ni Police Insp. Joeffrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Jeffrey Penesa, residente din ng nasabing lugar
Sundalo, patay; kasamang tulak droga, arestado sa buybust operation sa Midsayap, North Cotabato
(Midsayap, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Sinalubong ni kamatayan ang isang sundalo makaraang mapaslang sa isinagawang buy-bust operation sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.
Kinilala ni Supt. Reinante delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang nasawing suspek na si Tumindig Guiapal, aktibong miyembro ng Philippine Army habang kinilala naman ang kasamahan nito na si Teng Kabalu, 46 anyos, isang magsasaka, residente ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ni Supt. Reinante delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang nasawing suspek na si Tumindig Guiapal, aktibong miyembro ng Philippine Army habang kinilala naman ang kasamahan nito na si Teng Kabalu, 46 anyos, isang magsasaka, residente ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
MDRRMC Kabacan, pinalalakas ang contingency Plan hinggil sa mga pagbabaha sa bayan
(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Pinapalakas ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council o MDRRMC Kabacan ang contingency plan na siyang tutugon sa mga pagbaha na posibleng sumalanta sa bayan sa mga darating na buwan.
Ayon kay MDRRMC head David Don Saure, ito kasunod ng ginagawa nilang monitoring sa ilang mga lugar na may mga pagbaha sanhi ng mga pagbuhos ng ulan nitong nakaraang araw.
Ayon kay MDRRMC head David Don Saure, ito kasunod ng ginagawa nilang monitoring sa ilang mga lugar na may mga pagbaha sanhi ng mga pagbuhos ng ulan nitong nakaraang araw.
Mga lugar na parating binabaha sa Kabacan, tinukoy sa topographic Survey
(Kabacan, North
Cotabato/ January 15, 2014) ---Kamakailan lamang ay natapos na ang
kauna-unahang topographic Survey ng LGU
Kabacan katuwang ang Provincial Government para tukuyin ang mga lugar na
parating binabaha sa bayan.
Ayon kay topographic
survey supervisor Ryan Bantiling inilatag nila ang pangmatagalang solusyon para
matuldukan ang problema sa pagbabaha sa bayan.
Paglalagay ng Center Island sa National highway ng Kabacan, planung itayo
(Kabacan, North
Cotabato/ January 15, 2014) ---Planu ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan na
magpatayo ng Center Island sa National Highway partikular sa Rizal St., ng
Poblacion.
Ito para maiwasan
ang agarang pag-U-turn ng mga sasakyan na dahilan ng aksidente sa daan.
Ang proyekto ay
ipa-implementa ng Engineering Office batay naman sa inilaang pondo ng LGU sa
nasabing proyekto.