NEWS UPDATES

38-anyos na Ginang, arestado sa pagpupuslit ng illegal na droga sa loob ng kulungan

(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2014) ---Arestado ang isang 38-anyos na ginang matapos ang tangkang pagpupuslit nito ng illegal drugs sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Amas, Kidapawan city kahapon.

Kinilala ang suspek na si Sumbra Akmad Uray, 38, magsasaka at residente ng Barangay Kitulaan, Carmen, North Cotabato.


Batay sa report, lulan umano si Uray ng tricycle sa pagpunta nito sa nasabing BJMP dala ng mga basket na puno ng itlog na kanya umanong ibibigay sa kanyang kamag-anak na nasa bilangguan na si Farida Tanggok.

Pero ng siyasatin ang nasabing basket doon nakita ang mga sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu.

Ang suspek ay agad na inilagay sa kutodiya ng BJMP.

Ito na ang ikatlong babaeng bisita na nahuling nagdadala ng ipinagbabawal na droga sa BJMP hinggil sa paglabag sa RA 9464. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento