NEWS UPDATES

Panibagong Ordinansa sa mga tricycle at trisicab sa Kabacan, inalmahan ng mga draybers at operators

(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Umalma ang ilang mga motorista sa Kabacan hinggil sa panibagong ipinapatupad na ordinansa hinggil sa color coding.

Ito ang reaksiyon ng ilang mga motorista na nakapanayam ng DXVL News.


Anila, dagdag pasanin na naman ito para sa kanila dahil abot sa P5,000-P7,000 ang pagpapapintura ng kulang orange o kahel sa kanilang tricycle.

Kaugnay nito, sa hiwalay na panayam ng DXVL News kay Chief Traffic Unit ng LGU Kabacan Retired Col. Antonio Peralta na striktong ipapatupad nila sa Unang linggo ng buwan ang color coding.


Napagkasunduan din nila sa PNP Kabacan ang pagbabantay sa USM Avenue na ang Kabacan PNP na ang magbabantay kapag gabi at kung wala na ang traffic enforcer sa Kabacan para tiyakin ang Oneway ng nasabing daanan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento