NEWS UPDATES

Bangkay ng Lalaki nakitang palutang-lutang sa Paidu-Pulangi river sa Pikit, North Cotabato; misis naman sa Kabacan, nanawagan hinggil sa mister na Missing

(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Isang bangkay ng lalaki ang nakita na palutang-lutang sa may ilog ng Paidu-Pulangi sa Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Mautin Pangandigan, ang OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang bangkay ay nasa edad 18-25.


Batay sa pagsasalarawan ng opisyal, ang bangkay ay may taas na 5’4 at nakasuot ng T-shirt na kulay asul.

Sa ngayon, dinala ang nasabing bangkay sa Villa Jusa funeral Homes na nasa Barangay Osias, Kabacan.

Hanggang kahapon ng hapon ay walang pang pamilyang nag-claim sa nasabing bangkay.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ni ginang Joan Bacungan sa missing na mister nito.
Emosyunal na nananawagan sa publiko ang ginang kung sinu man ang nakakupkop kay Manuel Runas Bacungan na nasaikatlong araw na itong nanawala ngayon.


Kung sinu man po ang nakakita paki contact ito sa 09308079010. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento