NEWS UPDATES

Patong-patong na kaso, isasampa ng Alamada PNP sa pumaslang sa habal-habal drayber

(Alamada, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek na si Crisler Hernandez Anover alias Mokring ng Alamada North Cotabato matapos siyang ituro na responsable sa pagpapatay kay Cecilia Samaniego ng barangay Mirasol, Alamada noong November 28 ng nakaraang taon.

Matatandaang nahuli ang suspek matapos ang pamamaslang sa isang habal habal driver na si Jefrey Penesa Cervantes at ninakawan pa ng motorsiklo noong Enero a-14 ng kasalukuyang taon.


Sa follow up operation ng Alamada PNP sa pangunguna ni PCInsp. Joefrey Todeno, hepe ng Alamada MPS nakuha mula kay alias Mokring ang isang caliber 45 pistol at ang motorsiklo na ninakaw nito kay Penese.

Ang narecover na baril ay syang ginagamit nito para gumawa ng krimen.


Nahuli ang suspek habang nagtatago sa Barangay Bugso Senator Ninoy Aquino Sultan kudarat. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento