NEWS UPDATES

Pagpapababa ng Production cost sa Palay, target ng DA para malabanan ang Rice Smuggling

(South Cotabato/ January 20, 2014) ---Iginiit ni Department of Agriculture Proceso Alcala na bago matapos ang kanyang termino ay balak nitong pababain ang produksiyon cost ng palay.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa punong pambalitaan ng mga kagawad ng media na isinagawa sa The Farm, Carpenter Hill, Koronadal city sa kanyang pagbisita sa South cotabato nitong Biyernes.

Bukod aniya sa matulungan ang mga magsasaka isa ito sa mga nakikita nitong solusyon upang di na kailangan pang umangkat ng bigas ang bansa, matapos na masangkot ang ahensiya sa rice smuggling.


Aniya, nagkaroon umano ng rice smuggling dahil sa pag-aangkat ng bansa ng  bigas, ito dahil sa mas mura ang produksiyon cost sa ibang bansa sa Asya.

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng “Palayabangan” ay bago magtapos ang termino ni Pangulong Aquino ay iiwan nila ang fighting for na 7-7, ibigsabihin nito, sa bawat pitong metrikong tonelada ay dapat na P17.00 per kilogram ang produksiyon ay di na kailangan pang umangkat ng bigas sa ibang bansa.


Sinabi din nito na dahil sa production cost, kaya tumaas din ang presyo ng bigas sa Mercado publiko partikular na sa Kabacan Public Market sa pagpasok ng bagong taon sa kabila ng 129% Rice Sufficient ang Region 12, ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento