NEWS UPDATES

Paglalagay ng Center Island sa National highway ng Kabacan, planung itayo

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Planu ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan na magpatayo ng Center Island sa National Highway partikular sa Rizal St., ng Poblacion.

Ito para maiwasan ang agarang pag-U-turn ng mga sasakyan na dahilan ng aksidente sa daan.
Ang proyekto ay ipa-implementa ng Engineering Office batay naman sa inilaang pondo ng LGU sa nasabing proyekto.


Kabilang pa sa mga ipapatupad na proyekto ng Engineering Office ay ang Farm to Market road sa Brgy. Cuyapon na pinonduhan ng abot sa P12M.

Kaugnay nito, Sinabi ni Municipal Engineer Noel Agor na nagpapatuloy rin ang concreting project sa ilang mga kalye ng Poblacion partikular na sa Rio Grande, Ma. Clara at Roxas Extension habang natapos na rin ang ilangmga kalye sa Datu Piang, Jose Abad Santos at Kalye Putol na nasa Kapayapaan St.


Maliban sa nabanggit na proyekto, natapos na rin ng nasabing tanggapan ang pagpapatayo ng Chokepoint sa mga lugar ng Osias, Zamora, Santo Nino at Bonifacio St. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento