NEWS UPDATES

Ilang mga lugar sa Mindanao, deklaradong Holiday ngayong araw

Deklaradong Holiday ngayong araw January 13, 2014 kaugnay ng pagdiriwang ng mga mananampalatayang Muslim sa "Maulidin Nabi" o ang kaarawan ni Propeta Mohammad.

Batay sa memorandum order na inilabas ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF, sakop ng holiday ang buong Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, mga lalawigan ng North Cotabato, Lanao del Norte, Sultan Kudarat Province, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte maging ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian, Zamboanga at iba pang mga Muslim cities and provinces.


Kaugnay nito, pinahihintulutan din ang lahat nang mga Muslim employees saan mang panig ng bansa na lumiban sa trabaho sa Lunes para ipagdiwang ang kaarawan ni Propeta Mohammad.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento