Ipinapaabot naman ni
Kadingilan Barangay Chairman Peng Lakiman ang pasasalamat nito sa gobyerno
dahil sa pagpapatupad ng elektripikasyon sa sa kanilang barangay.
NEWS UPDATES
▼
Linya ng kuryente, umabot na sa isang malayong barangay sa Midsayap, NCot
(Midsayap, North
Cotabato/May 24, 2012) ---Sa matagal na panahong hinintay ng mga residente ay
umabot na nga ang linya ng kuryente sa Barangay Kadingilan, isang malayong
komunidad na sakop ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa North Cotabato, pasisinayaan sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/May 24,
2012) ---Pasisinayaan ang kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC
sa probinsiya ng North Cotabato na makikita sa Kabacan Terminal Complex.
Gagawin ang inagurasyon sa May
29, 2012 kungsaan mismong si Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza
ang magiging panauhing pandangal.
2 katao huli sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na droga sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012) ---Tiklo
ng mga kasapi ng Kabacan PNP ang dalawang mga suspetsado sa nagpapatuloy na
kampanya ng mga otoridad kontra illegal na droga sa bayan ng Kabacan.
Alas 11:45 kahapon ng umaga, arestado ang
isang Samcia Talusan, nasa tamang edad at residente ng Lapu-lapu St., Purok
Chrislam ng bayang ito makaraang mahulihan ng pitong piraso ng heat sealed
plastic sachet sa nasabing lugar.
Kawani ng LGU-Kabacan, sugatan sa vehicular accident sa Highway
(Kabacan,
North Cotabato/May 24, 2012)---Sugatan ang isang empleyado ng Kabacan Rural
Health Unit makaraang maaksidente sa National Highway partikular sa Malamote
dakong alas 3:00 ng hapon nitong Miyerkules.
Pampasaherong Van hinold-up sa Kabacan, libu-libong halaga ng cash at mga personal na gamit natangay ng mga hold-upper
(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Isang kulay gray pampasaherong L300 Van na
may plate number LCW 957 ang hinold-up sa may Purok 5, brgy. Osias, Kabacan,
Cotabato dakong alas 2:30 kahapon ng hapon.
Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator
ng Kabacan PNP, galing umano sa Koronadal city ang nasabing Van lulan ang labin
apat na mga pasahero.
Pinakamahal na pataba o abono matatagpuan sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Maituturing na isa sa pinakamahal na pataba
o organic fertilizer ang Guano, mula sa waste materials ng mga paniki na ngayon
ay makikita sa Pisan Cave dito sa bayan ng Kabacan.
Ito ayon kay Kabacan Tourism Officer
Designate Sarah Jane Guererro, kung saan may mga ginagawa ng guano extraction
ang ilang mga lokal na residente sa lugar.
Pagharap ng punong mahistrado sa Impeachment Trial, nakakademoralized diumano sa Judiciary--- ayon sa isang propesor ng USM
(USM, Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012)
---Para kay USM Philosophy & Sociology Department Chair Marcos Monderin,
nakakademoralized umano sa Judiciary ang pagharap sa impeachment trial ni chief
Justice Renato Corona, kahapon.
Energy saving lamps ipapamahagi sa Distrito Uno ng Cotabato
(Midsayap, North Cotabato/May 22, 2012) ---Alinsunod sa mandato ng DOE o Department of
Energy, ipapamahagi sa mga qualified beneficiaries sa unang distrito ng North
Cotabato ang higit sampung libong energy saving lamps na kung tawagin ay
Compact Fluorescent Lamps o CFL.
Climate Justice, tinalakay sa 7th Mindanao Summer youth Peace Camp!
(Upi, Maguindanao/May 22, 2012) ---Pangunahing
tinalakay sa ginanap na 7th Mindanao Summer Youth Peace Camp sa Upi
Agricultural School Provincial Technical Institute of Agriculture Social Hall, Upi,
Maguindanao ang Climate Justice.
Ito ay binigyang paliwanag ni Mark Mandar ng
Kilusang Maralita sa Kanayunan na isa sa mga naging lecturer, ayon sa report ni
Upi, Maguindanao News Correspondent Hannadi Guaimad.
MILF Nagbigay ng Update sa 10 point agreement ng GPH-MILF sa mga Kabataan
(Upi, Maguindanao/May 22, 2012) ---Nagbigay
ng update tungkol sa 10 point agreement ng GPH-MILF nitong araw ng Linggo ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga miyembro
ng Alyansa ng Kabataang Mindanao Para sa Kapayapaan (AKMK) sa isinagawang forum na kabahagi ng limang araw na 7th Mindanao
Summer Youth Peace Camp sa Upi Agricultural School.
(Update) Magkapatid na pinatay ng NPA sa Makilala, North Cotabato inihatid na sa kanilang huling hantungan
(Makilala, North Cotabato/May 22, 2012) ---Inilibing
na noon pang Huwebes ang magkapatid na Marlon at Randy Sulutan, kapwa mga
residente ng Barangay Cabilao, Makilala, na pinatay ng mga rebeldeng New
Peoples’ Army o NPA, noong a-13 ng Mayo.
Inilibing ang dalawa sa kanilang bukid sa
Barangay Cabilao.
Sinabi ni Armando Laman, kagawad ng
barangay, na tumulong ang Makilala LGU para sa pagpapalibing ng mga Sulutan
brothers.
Preliminary conference patungkol sa kasong sibil na isinampa ng isang opisyal ng Kidapawan City LGU kontra sa DoE, Napocor at iba pa isinagawa
(Kidapawan City/May 22,
2012) ---Pinadi-dismis ng Napocor at ng iba pang power agencies – sa
pamamagitan ng kanilang mga abogado -- ang kasong sibil na isinampa laban sa
kanila ni Kidapawan City Vice-Mayor Joseph Evangelista sa preliminary conference
na ginanap nitong Biyernes sa sala ni Judge Rogelio Naresma ng Regional Trial
Court o RTC branch 17.
Kinuwestyun din ng
Napocor ang jurisdiction o kapangyarihan ng korte para resolbahin ang mandamus
na isinampa ni Evangelista.
Pero hindi dito sumentro
ang pagtatanong ng korte.
Pag-iinspeksiyon sa mga dormitories at eskwelahan sa bayan ng Carmen at Kabacan, sisimulan na ng BFP-Kabacan, ngayong linggo
(Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Kasabay
ng pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, magsasagawa naman ngayong araw ng
inspeksiyon ang pamunuan Bureau of fire Protection Kabacan sa lahat ng mga
eskwelahan at dormitories dito sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi kahapon ni Fire Senior
Inspector Ibrahim Guiamalon kungsaan inihahanda na nila ang mga hakbang kaugnay
sa nasabing inpeksiyon kasama ang Municipal Local Government at ang PNP.
TLE Teachers sa buong R-12, sumasailalim sa 5 araw na training sa K+12 sa USM, Kabacan
(USM, Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012)
---Pormal ng nagsimula kahapon ang limang araw na training ng mga Technology
and Livelihood Education o TLE Teachers na isinasagawa ngayon dito sa
University of Southern Mindanao kungsaan ang USM ang service Provider.
Ayon kay Training Coordinator Dr. Kutin
Kulano, abot sa mahigit sa apat na daang mga guro buhat sa ibat-ibang mga probinsiya
sa buong Region ang dumadalo sa nasabing training.
Pag-iinspeksiyon sa mga dormitories at eskwelahan sa bayan ng Carmen at Kabacan, sisimulan na ng BFP-Kabacan, ngayong araw
(Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Kasabay
ng pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, magsasagawa naman ngayong araw ng
inspeksiyon ang pamunuan Bureau of fire Protection Kabacan sa lahat ng mga
eskwelahan at dormitories dito sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi kahapon ni Fire Senior
Inspector Ibrahim Guiamalon kungsaan inihahanda na nila ang mga hakbang kaugnay
sa nasabing inpeksiyon kasama ang Municipal Local Government at ang PNP.
Ilang mga guro ng USM at mga grupo ng Kabataan, tutol din sa gagawing concert ni Lady Gaga na magsisimula na ngayong gabi
(Kabacan, North Cotabato/May 21, 2012) ---Para
kay USM College of Education guidance counselor Sonia Almazan, tutol ito sa
gaganaping concert ni Lady Gaga, ang sikat na Pop singer mula sa Amerika na
isasagawa na mamayang gabi dito sa Pilipinas.
Aniya, ang ipinapakita kasi ng Pop singer ay
taliwas mismo sa kultura ng Pilipino partikular na ang kanyang mga pananamit at
ang mga salitang ginagamit nito sa kanyang pag-awit.
Dagdag pa nito, na hindi umano magiging
maganda ang impak nito para sa kanilang mga manonood partikular na ang mga
bata.
Linya ng kuryente nadaganan ng punong kahoy dahilan ng mahabang power interruption sa service area ng Cotelco
(Matalam, North Cotabato/May 21, 2012) ---Nakaranas
ng mahigit sa isang oras na brown-out ang buong service area ng Cotabato
Electric Cooperative o cotelco kaninanng umaga matapos na matamaan ng puno ng
Marang ang 69KV line ng Cotelco o itong tinatawag na Mt. Apo line.
Sa panayam ng kay cotelco Spokesperson
Vincent Lore Baguio, natagalan umanong mahanap ang nasirang linya kung kaya’t
di agad na kumpuni dahil sa nagsagawa pa sila ng survey.
Sniffing dog ng Kabacan PNP, dumating na!
(Kabacan, North Cotabato/May 21, 2012) ---Dumating na kahapon
ng umaga ang K-9 unit o sniffing dog na inisyu ng Camp Crame sa Kabacan PNP.
P01 Philip Genove, K-9 handler |
Ayon kay P01 Philip Genove, K-9 handler,
nagkakahalaga ng kalahating milyon ang nasabing aso na may lahing Beljan
Shepherd.
Mismong ang handler nito ang sumundo sa pier sa
General Santos city dakong ala una ng umaga kahapon.
Ang mga sniffing dogs ay ginagamit sa
pagdedetermina kung ang isang bagay ay positibo sa IED o anumang mga illegal na
laman.
Ito ay kung tatagal o uupo ang nasabinga aso sa
nasabing bagay.
1 sugatan sa panibago na namang bakbakan ng naglalabang grupo sa Carmen, North Cotabato; mga nagsilikas na pamilya umakyat na sa mahigit sa 200
(Carmen,
North Cotabato/May 21, 2012) ---Sugatan ang isang 35-anyos na lalaki makaraang
sumiklab na naman ang nangyaring bakbakan ng dalawang grupo nitong umaga ng
Biyernes sa may Sitio Misalan, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato.
Kinilala
ni 6th Division chief Public Affairs Col. Prudencio Asto ang sugatan
na si Abubakar Ali, pinaniniwalaang lider sa grupo ni Teo Mananimbong ng Moro
National Liberation Front o MNLF.
Lalaki, iniwang duguan sa isang plantasyon ng tubo sa Kabacan makaraang masaksak
(Kabacan,
North Cotabato/May 20, 2012) ---Nakahandusay at wala ng malay ng matagpuan ang
duguang lalaki sa may Brgy. Malanduage, Kabacan, Cotabato dakong alas 8:20 ng
gabi nitong Sabado.
Kinilala
ng Kabacan PNP ang biktima na si Roel Lamangin, nasa tamang edad at residente
ng Purok 1, brgy. Osias ng nabanggit na bayan.
Tree Planting activity; isinagawa ng mga militar sa water reservoir ng Asik-asik Falls
(Alamada,
North Cotabato/May 19, 2012) ---Abot sa 50 iba’t-ibang mga puno ng kahoy ang
ngayon ay itinanim sa mismong water reservoir ng Asik-Asik Falls ng mga kasapi
ng APO FRATERNITY, militar at iba pang organisasyon sa isinagawang tree growing
nila ngayong araw.
Ayon
kay Lt. Aries dela Cuadra ng 7th IB, 6ID, Phil Army layon ng
nasabing aktibidad na mapangalagaan ang paligid ng nasabing kabundukan kungsaan
makikita ang asik-asik water falls.
Lalaki arestado dahil sa pagdadala ng illegal na droga
(Kabacan,
North Cotabato/May 18, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang
kanilang kampanya kontra illegal na droga dito sa bayan ng Kabacan.
Katunayan
sunod-sunod ang ginagawa nila operasyon upang mahinto ang talamak na paggamit
at bentahan ng illegal na droga partikular na ang shabu sa bayan.