NEWS UPDATES

Pagharap ng punong mahistrado sa Impeachment Trial, nakakademoralized diumano sa Judiciary--- ayon sa isang propesor ng USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Para kay USM Philosophy & Sociology Department Chair Marcos Monderin, nakakademoralized umano sa Judiciary ang pagharap sa impeachment trial ni chief Justice Renato Corona, kahapon.

Aniya, ang tinitingalang punong mahistrado ng kataastaasang hukuman ay siyang nasasakdal na dapat sana ay siya ang magbibigay ng hatol.

Tinawag pa ni Monderin na personal umano ang pagharap ng Punong Mahistrado, ito upang linisin ang kanyang pangalan.

Sa kanyang opening statement kahapon, iginiit ng punong mahistrado na walang siyang kasalanan partikular na sa taong bayan, dahil tiyak aniyang bibitaw na sa pwesto ang mataas na opisyal at din a ito makipaglaban kung totoong may kasalanan ito.

Wika pa nito na sapul sa simula ay naging malinis ang kanyang konsensiya.

Naniniwala naman si Monderin na sinunod umano ni Chief Justice Renato Corona ang perception ng nakakarami na kapag di umano nito sisiputin ay nagpapatunay lamang na siya ay guilty, pero hindi ibigsabihan na kapag nagpakita ito at nagtestify sa trial ay hindi na siya guilty.

Samantala, naging emosyunal naman ang punong mahistrado na sabihin nitong kalbaryo ang kanilang pinagdadaanan ng kanyang pamilya sa nakalipas ng limang buwan.
Aniya, lahat ng kasinungalingan at maging ang lahat ng putik ay itinapon sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa kabila ng pagbabanta ng kahihiyan at kapahamakan lumaban ang punong mahistrado, bwelta nito na naging malakas siya dahil alam nitong walang katotohanan ang lahat ng paratang at bentang laban sa kanya. (Rhoderick Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento