NEWS UPDATES

Linya ng kuryente nadaganan ng punong kahoy dahilan ng mahabang power interruption sa service area ng Cotelco

(Matalam, North Cotabato/May 21, 2012) ---Nakaranas ng mahigit sa isang oras na brown-out ang buong service area ng Cotabato Electric Cooperative o cotelco kaninanng umaga matapos na matamaan ng puno ng Marang ang 69KV line ng Cotelco o itong tinatawag na Mt. Apo line.

Sa panayam ng kay cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio, natagalan umanong mahanap ang nasirang linya kung kaya’t di agad na kumpuni dahil sa nagsagawa pa sila ng survey.

Nakita ang nasirang linya sa bahagi ng Sitio Martinez ng brgy. Birada, Kidapawan City at umabot lamang ng 30 ang kanilang pagsasaayos.

Una na ring kinumpirma ng pamunuan ng cotelco na ang nasabing brown-out ay walang kinalaman sa load deficiency sa kuryente bagamat nahaharap pa rin ang Mindanao sa power crisis, ito matapos na makapag-withdraw na ang cotelco ng dagdag na 8 megawatts bilang pandagadag na kulang na supply ng kuryente.

Sa ngayon may load dispatch ang cotelco mula sa NPC na 28 megawatts at dagdag na 8 megawatts mula sa Therma Marine Incorporated o TMI. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento